Maxene sa toxic na relasyon: Choosing to stay, mas masakit yun!
“CHOOSING to stay, mas masakit ‘yun kasi sinasayang mo lang ‘yung oras mo,” ang pahayag ni Maxene Magalona tungkol sa pagkapit sa isang toxic relationship.
Nag-open up ang Kapamilya actress at life coach about her past kabilang na ang hinarap at nilabanang mga challenges sa kanyang personal na buhay.
Hindi rin biro ang pinagdaanang pagsubok ni Maxene nang maghiwalay sila ng dating asawang si Rob Mananquil. Talagang gumuho raw ang kanyang mundo nang mawasak ang kanilang married life.
Sa interview ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, ibinahagi ni Maxene kung paano niya hinarap ang matinding pagsubok na ito.
Baka Bet Mo: Moira sa hiwalayan at pagpapaubaya: We can choose gratitude over bitterness, we can choose love and forgiveness…
“By praying. Praying for my ex-husband, praying for me, praying for the both of us so that we can let go of what was not meant for us,” pahayag ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
View this post on Instagram
Pagbabahagi pa ni Maxene, sinabi sa kanya ng isa sa kanyang spiritual teacher sa Bali, Indonesia na ang isyu ng “attachment” ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagdurusa.
May pagkakataon pa nga raw na talagang kapit na kapit siya sa kagustuhang mabuhay pa ang kanyang amang si Francis M na nagpapahirap sa kanyang kalooban.
“So, when my marriage started to crumble, when it started to talagang break apart, I had to slowly, slowly accept it,” ani Maxene.
Ang librong “The Power of Now” ni Eckhart Tolle, ang isa sa mga naging daan para tanggapin ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa
“Instead of resisting that, you have to turn to God and accept, this is what’s happening right now, God, help me through it.
“Kumbaga, tanggapin na lang natin, ‘wag na tayong mag-complain, and then let’s accept that this is what God needs me to go through, so that I can be the person that he designed me to be,” dagdag pa ng aktres.
“True peace comes in accepting what’s happening in the present moment. And forgiving what needs to be forgiven so that you can move on,” sabi pa ni Maxene.
Nagbigay din siya ng paalala sa lahat ng mga taong dumadaan sa separation o annulment, “It will always be painful, going through a breakup and staying in a toxic relationship.
View this post on Instagram
“So, what pain are you willing to go through? Both of it is painful. It’s painful to go through the breakup and it’s also painful to stay where you’re not meant to stay.
“So, which one do you choose? I chose the first one. I chose the pain of going through the breakup,” pahayag pa niya.
Dagdag na payo ni Maxene, “Choosing to stay, mas masakit ‘yun kasi sinasayang mo ‘yung oras mo, sinasayang mo ‘yung energy mo, sinasayang mo ‘yung purpose na binigay sa iyo ni God sa mundong ito. So, choose what pain are you willing to go through.”
Matatandaang dalawang beses ikinasal sina Maxene at Rob noong 2018, una sa isang intimate ceremony sa simbahan na sinundan ng isang seremonya sa Boracay.
Taong 2022 nang kumalat ang balitang hiwalay na ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa sa Instagram. Kasabay nito inalis din ni Maxene ang surname ni Rob sa kanyang IG profile.
Makalipas ang ilang buwan, kinumpirma ni Maxene single na uli siya at nag-share sa Instagram ng mga life lesson na natutunan niya mula sa kanyang kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.