Echo: Ayoko nang gawin ang remake ng Pangako Sa ‘Yo!
TINANGGIHAN ni Jericho Rosales na maging bahagi ng remake ng seryeng Pangako ‘Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Si Echo ang gumanap na Angelo sa nasabing soap noon ng ABS-CBN bilang katambal ni Kristine Hermosa bilang si Yna Macaspac, at nais sana ng produksiyon na umapir siya sa bagong version nito, pero aniya kailangan niyang i-turn down ang offer.
“I’m sure si Kristine natanong rin. Natanong rin ako for a role but I had to say no. Ang decision ko lang talaga, gusto ko lang manood. Gusto kong manood ng show na hindi ako involved.
May in-offer na role pero siguro they were being polite. For me, thank you very much pero gusto ko panoorin na lang,” sey ng aktor nang makachika ng press sa media launch ng 2014 Cinema One Originals Film Festival kung saan kasali ang pelikula niyang “Red” na idinirek ni Jay Abello.
Ayon pa kay Echo excited siyang mapanood muli ang kanilang serye at naniniwala siya na mabibigyan ito ng bagong flavor nina Daniel at Kathryn, “Perfect combination. Excited ako to watch it.
Kung tatanungin n’yo ako, they deserve (KathNiel) to be Angelo and Yna kasi ang lakas-lakas ng loveteam nila. And Pangako Sa ‘Yo ang pundasyon ng love story nila.”
Samantala, siyempre, mas excited si Jericho sa entry nila sa Cinema One Originals filmfest this year, ito ngang “Red” kung saan makakasama niya sina Mylene Dizon, Bibeth orteza, JM Rodriguez, Nico Antonio, Mercedes Cabral, Pepe Smith at marami pang iba.
Isang action movie na may social relevance ang tema ng “Red”, ayon kay Echo. Isang “fixer” ang role ni Echo rito na kayang ayusin ang problema ng kahit na sino, “Ang Red ay istorya ng Bacolod fixer.
May accent ako, may action, and may love story na very entertaining. Isa akong underground fixer na lumaki sa girlie bar. Lumaki siya sa magulong environment na talamak ang sex, dancing, sigarilyo…eventually he owned the bar and became a fixer.
“Matagal-tagal na akong naghahanap na malagay sa action genre. Lagi akong nalalagay sa dramatic roles, enjoy naman ako. Pero iba sa big screen, throwing punches, may action sequences, may goons…bakbakan ‘to.
Basically, it’s a love story na may action and crime,” kuwento ng aktor tungkol sa kanilang entry. Mapapanood simula sa Nov. 9 hanggang Nov. 18 ang lahat ng entries sa 2014 Cinema One Originals filmfest sa Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma at Greenhills Dolby Atmos cinemas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.