BB Gandanghari asar-talo sa pang-ookray nina Robin | Bandera

BB Gandanghari asar-talo sa pang-ookray nina Robin

Cristy Fermin - November 05, 2014 - 03:00 AM

padilla brothers
Habang nagraradyo kami ni Richard Pinlac ay una naming nakitang dumaan sa booth sina Rommel Padilla at BB Gandanghari. Sumunod ay si direk Monty Parungao.

Maya-maya ay magkasama nang dumaan si Robin Padilla at ang kanyang manager na si Betchay Vidanes. Naisip namin, may nilulutong pagkain sa kusina ng TV5 dahil ang direksiyong pinuntahan nila ay conference room, siguradong nandu’n na si Ms. Wilma V. Galvante at naghihintay sa magkakapatid.

Tama! Maya-maya ay magkakasama nang pumasok sa booth ng 92.3 News FM sina Robin, Rommel at BB Gandanghari. Pagkatapos nang ilang minuto ay kasunod na rin nila si Tita Wilma.

Anumang oras ngayon ay magsisimula nang gumiling ang mga camera ng TV5 para sa bagong sitcom na pagbibidahan ng mag-uutol na Padilla.

Makakasama rin pala nila sa 2 ½ Daddies si Alice Dixson. Aliw na aliw kami sa pang-aasar nina Robin at Rommel kay BB, kung anu-anong pambubuska ang sinasabi ng dalawa, pero sa likod ng aming pagtawa ay nandu’n ang damdaming napakasaya dahil magkakasundo na ang magkakapatid ngayon.

Sa first quarter ng susunod na taon ipalalabas ang sitcom, siguradong riot ito, ngayon lang natin mapapanood ang magkakapatid na Padilla sa isang programang ganito ang tema.

“Punumpuno na ang kalendaryo ni Robin for next year, nailatag na namin ang mga gagawin niya for TV5,” pahayag ni Ms. WVG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending