Abogado ni Aljur tinawag na mga utak-ipis ang GMA 7 artist center
MAY buwelta si Atty. Ferdie Topacio sa nasulat na nagsisisi na si Aljur Abrenica sa ginawa niyang pagsasampa ng reklamo laban sa GMA 7.
We saw in social media ang statement niyang talaga namang ikinawindang namin. He took a swipe kasi sa GMA Artist Center, talagang binanatan niya nang husto ang mga tao rito.
“Nais po lamang naming linawin ang ilang mga lumalabas na pahayag sa iba’t ibang mga kolum na tila baga lumalabas na nagsisisi na diumano ang aking kliyente na si G. ALJUR ABRENICA sa kanyang inihaing demanda laban sa GMA7 hinggil sa kanyang kontrata, at kusang-loob na niyang iuurong ang mga ito.
“Bagamat totoo namang lagi kaming bukas sa makabuluhang pakikipag-usap sa pamunuan ng GMA 7—bagay na amin nang sinabi mula’t sapul pa noong araw na dumulog kami sa hukuman—hindi totoong pinagsisisihan na ni Aljur ang ginawa niya,” saad sa statement ni Atty. Topacio.
Then, pinasaringan niya ang GMAAC and said, “Ang anggulong ito, sa wari namin, ay kathang-isip na naman ng mga mangmang na elemento sa GMA ARTIST CENTER na nais iligtas ang kanilang sarili sapagkat sila ang dahilan kung bakit nagdemanda si Aljur.
“Ganito rin ang ginawa nila noong nagkaroon ng suliranin sina Bb. Yasmien Kurdi at Bb. Bea Binene, kaya’t lumala ang gulo.
“Dapat nilang malaman na hindi sila nakakatulong sa pamamahala ng GMA7, at ang mga utak-ipis na diskarteng ito ay tiyak na makasasama pa sa kaso nila.”
Kaloka ang choice of words niya, ‘di ba? “Kami ay laging handang makipag-usap ng maayos sa GMA7 at sa kanilang mga kinatawan, at ano mang pag-urong ng demanda ay gagawin lamang namin matapos ang pag-uusap na ito at sa konteksto ng gagawing mga ‘mediation procedures’ ng hukuman.
“Napapanahon nang kilalanin ng GMA7 ang mga kenkoy sa GMA ARTIST CENTER upang sibakin ang mga ito at maiwasan ang mga kabulastugang maaaring mangyayari pa kapag hindi nagbago ang sistema dito.”
So, kenkoy ang mga tao sa GMAAC? Any comment GMA people?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.