Horoscope, October 21, 2014 | Bandera

Horoscope, October 21, 2014

Madam Sophia |October 21,2014
facebook
share this

Horoscope, October 21, 2014

Madam Sophia - October 21, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Martes ngayon, magsuot ng kulay red. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig at pagkakaperahan sa loob ng buong linggo, tuloy-tuloy ang daloy ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa red, ang pink din ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Maaasar ka na naman sa iyong kapaligiran! Kung ano ang ayaw mo yon ang ginagawa nila. Ganon talaga ang mangyayari, hangga’t hindi ka lumalayo ng inyong lugar. Sa malayong pook may masarap na romansa at suwerteng matitikman.  Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa blue ang lilac ay buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Samantalahin ang bawat minutong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat oras na lumipas upang ipadama sa kasuyo ang wagas na pagmamahal. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Mohaya-Aum.” White at emerald green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –  Sa pag-ibig, upang tumibay ang pagmamahaln ikaw at ang iyong kasuyo ay dapat na laging magsuot ng silver na singsing. Sa pinansyal, ang antigo at lumang white gold ang magdadala ng buenas. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22) –    Malaking halaga ng salapi ang darating, itago mo ito at ilaan para sa araw ng Pasko. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano nyo na ang Christmas date na gagawin ninyo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –   Upang umunlad ang anomang itatayong negosyo “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo. Sa pag-ibig, kulay dilaw, ang magpapalakas ng iyong magnetismo. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Bukod sa dilaw ang orange ay buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –    Wag malungkot kahit hindi natapos ang ginagawa! May bukas pa! Ang mahalaga magtiwala sa iyong kakayanan. Sa pag-ibig magtiwala sa iyong likas na kagandahan wag umasa sa make-up at kolorete. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Silver at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –   Sa pag-ibig, magnilaynilay sa nangyayaring pagsubok sa inyong relasyon, mamayang gabi makakatuklas ka ng epektibong sosluyon. Sa pinansyal habang naglalakad-lakad bigla kang makakapulot ng malaking halaga. Mapalad ang 3, 9, 15, 24, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim.” Lilac at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –            Wag isiping nagkaka-edad ka na! Sa panahon ngayon marami ka pang magagawa upang umunlad at magpayaman – umpisahan mo na! Sa pag-ibig, tandaang:  “ang pusong laging nagmamahal, batang lagi ang pakiramdam!” Mapalad ang 9, 15, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om-Akaye.” Baby pink at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –       Kung namumrobema sa salapi, masosulusyonan sa susunod na mga araw ang mahalaga lagi kang magsuot ng kulay pula at lilac. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa ma-perang Aries. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.

Capricorn – (December 22 – January 19) –          Iwasang makisama sa mga walang kuwentang tao –  ipapahamak ka lang nila. Sa mga yamado at madalas manalo ka makisama upang mahawahan ka nila ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wala kang talo kung isang Cancer ang makakarelasyon mo. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –      Wag susuko sa mga problema! Isang Leo ang magpapautang sa  iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, may masarap na romansa hatid ng isang nakalilibog na Libra. Mapalad ang 5, 15, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.” Yellow at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) –          Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, makaka-amot ka rin ng isang tunay at wagas na pagsinta. Sa panahon ngayon, alalahanin mo, “lahat ng bagay ay kayang-kaya ng bilhin ng salapi!”  Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” White at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending