Coco Martin: Pera na lang siguro! | Bandera

Coco Martin: Pera na lang siguro!

Julie Bonifacio |October 21,2014
facebook
share this

Coco Martin: Pera na lang siguro!

Julie Bonifacio - October 21, 2014 - 03:00 AM

coco martin
SECRET lang daw muna ang gift ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Coco Martin na magse-celebrate ng kanyang birthday on Oct. 29. Ang actual birthday ni Coco is on Nov. 1.

But for sure, may naiisip na si Kim kung ano ang ibibigay sa Teleserye King. Hindi kaya appliances para sa bagong bahay ni Coco or trip sa isa sa favorite destinations ng aktor dito sa Pilipinas.

Nabanggit kasi ni Coco sa interbyu sa kanya ng ilang members of the press na dumalaw sa taping nila ni Kim ng Ikaw Lamang na gustong magbakasyon ng aktor sa Boracay, Batanes, Sagada at Palawan.

Halos isang taon ding nagkasama sina Coco at Kim sa Ikaw Lamang and definitely, mami-miss daw nila ang kanilang bonding moments. Isa na diyan ang 10 minutes na dire-diretsong pagtawa ni Coco.

“Saka itong Ikaw Lamang ang dami ko’ng nakatrabahong artista, 34 kami dito. Sa 33 na ‘yun sobrang honored ako na makatrabaho ko silang lahat sa isang show,” proud na sabi ni Kim.

Tatlong araw na lang ang taping nila for Ikaw Lamang and given a chance na mag-suggest kung ano ang magiging ending ng kanilang epic-serye, duet sila ni Coco sa pagsasabi na mas gusto nila happy ending.

Pareho sina Kim at Coco na may ginagawang pelikula kasabay nang pagtatapos ng kanilang soap. Nakapagsimula na si Coco para sa movie nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino, ang “Feng Shui 2” para sa 2014 Metro Manila Film Festival at si Kim mahigit kalahati na ang nasu-shoot sa “Past Tense” with Xian Lim and Ai Ai delas Alas.

Sabi ni Coco, friendship daw ang iiwan niya kay Kim sa paghihiwalay nila pagkatapos ng Ikaw Lamang. Kaya tinanong din namin si Kim kung anon naman ang iiwan niya kay Coco.

Pero bago pa makapagsalita si Kim, nauna na agad si Coco sa pagsasabi kung ano ang gusto niyang iwan sa kanya ni Kim.
“Pera na lang! Ha-hahaha!” biro ng aktor. Sabi naman ni Kim, “Pera? Sige ako ang bahala sa ‘yo, ha!”

Hindi naman kaila kay Kim ang pinagdaanang isyu ni Coco matapos ang The Naked Truth underwear show na inalmahan ng ilang women’s group sa bansa. Na-witness daw niya kung gaano kalungkot si Coco sa set nila during that time.

“Sobrang down, hindi mo mapatawa,” kwento ni Kim. Nag-usap-usap daw silang lahat na artista sa Ikaw Lamang at nagkakaisa sila sa pagsabi na wala namang kasalanan si Coco sa nangyari.

“Kasi kami artista, gagawin namin kung ano ‘yung pinapagawa sa amin.  Hindi naman namin alam na iba pala ‘yung makikita ng Gabriela. Kasi ‘yung kay Ate (female model na nakasama ni Coco sa pagrampa) na taga-Canada, okey lang naman sa kanya, e, parang wala mamang problema.

Sa amin kasi bilang aritsta para sa ikagaganda ng show gagawin namin,” pahayag niya. Pagkatapos ng Ikaw Lamang, nais ni Kim na isang superhero naman ang susunod na role niya sa teleserye.

Kahit ano o sinong superhero ang ipagawa sa kanya basta lumilipad. “Oo, pwede, para maiba naman. Hindi pa rin kasi ako nakakagawa ng ganoong pantaserye, e, ‘yung lumilipad ako.

Ang dami ko na ring nagawang teleserye hindi pa ako nakaka-expeirence ng pambata, laging pang-pamilya,” diin pa niya.

Inamin naman ni Coco Martin na mas nahirapan siya sa role niya bilang si Gabriel sa book 2 ng Ikaw Lamang. Kasi nga nagti-taping pa siya para sa character niya bilang si Samuel sa book one nu’ng dumating ang script sa kanya for Gabriel.

Kumbaga, hindi enough ang time for him to prepare para sa role niya as Gabriel. “Pero sabi ko nga, minsan siguro maraming mga bagay ang hindi mo mape-perfect, na hindi mo rin ganoon mababantayan kasi almost everyday kami nagtatrabaho.

Saka kami ni Kim halos sume-segue rin kami, habang ginagawa namin ang teleserye na ‘to, may movie pa,” sabi ni Coco.
For almost a year na magkasama sila ni Kim marami na siyang natuklasan sa kanyang leading lady.

Una, ang lalim-lalim na raw nang pagtingin ni  Kim sa trabaho, tulad niya, nagsa-suggest na rin ang aktres sa kanilang mga eskena para sa ikagaganda ng kanilang serye.

Na-realize din daw nila ni Kim na kabilang sila sa mga pinaka-masipag na artista sa Pilipinas. Kasi nga alam nila ang pinanggalingan nila na dati ay simpleng buhay lang at pagkatapos biglang dumating ang blessing sa kanila.

“Ayaw naming pakawalan o itapon. Hangga’t merong trabaho, hangga’t okey, nandiyan sige nang sige. Kasi, totoo naman, matatapos at  matatapos ‘to.

“At kapag nangyari ‘yun, at least, handa na kami. Kumbaga, may napuntahan ‘yung pinagpaguran namin at pinaghandaan namin ‘yung future naming,” sabi pa ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatapos ng Ikaw Lamang, gusto ni Coco na gumawa ulit ng teleserye na pambata. Not necessarily fantaserye na mala-Juan dela Cruz basta it has something to do with kids.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending