Kim nakabili na ng malaking lote, handa nang ipatayo ang dream house | Bandera

Kim nakabili na ng malaking lote, handa nang ipatayo ang dream house

Ervin Santiago |October 20,2014
facebook
share this

Kim nakabili na ng malaking lote, handa nang ipatayo ang dream house

Ervin Santiago - October 20, 2014 - 03:00 AM

kim chiu

IBINUKING ni Coco Martin sa harap ng ilang members ng entertainment press ang tungkol sa ipatatayong bonggang-bonggang dream house ni Kim Chiu. Nakabili na ng lote ang Teleserye Princess kaya isusunod na niya ang bahay.

In fairness, sa edad na 24, napakalayo na rin ng narating ni Kim, at sa ilang taon pa lang niya sa showbiz ay sandamakmak na achievements na ang pwede niyang ipagmalaki. Isa nga siya sa matatawag na tunay na role model ng mga kabataang Pinoy.

Nakachika namin si Kim kasama ang iba pang kasamahan sa media sa taping ng nangunguna pa ring teleserye sa buong bansa, ang Ikaw Lamang na magtatapos na sa Biyernes – at dito nga nasabi ng leading man ng aktres na si Coco ang pagpapatayo ng kanyang dream house.

“Abangan n’yo ang ipapatayo ni Kim na bagong bahay!” pambubuking ni Coco na agad namang kinumpirma ng aktres na halatang hiyang-hiya.

“Meron na pong lote, konting pundar-pundar ng mga hirap-hirap natin,” chika ni Kim. Balak na raw kasi nilang ibenta ang bahay nila sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

“Kailangan kasi namin ng mas malaking bahay kasi medyo masikip na. Dumami na po kami. Kasama na yung mga kapatid ko at mga pamangkin ko sa bahay.”

Natanong din kay Kim ang tungkol sa pagiging Disney Princess niya na maituturing na isa sa milestones sa kanyang career, siya ang ang napili ng Disney Asia, bilang bagong Mulan, “Kalendaryo talaga yun.

Isa ako sa mga representatives ng Pilipinas sa Southeast Asia.” Ang Star Magic daw ang nagpadala ng portfolio niya sa Disney at swerte naman na nakapasa siya, “Hindi sinabi ng Star Magic na nagpadala sila (ng portfolio) ko.

Nu’ng napili ako, saka na lang nila sinabi. Nagulat talaga ako. Siyempre, pangarap ng lahat ng babaeng bata na maging Disney princess, kahit isa man lang du’n, kahit sino du’n.”

Naganap daw ang pictorial nila para sa nasabing Disney calendar kamakailan sa Thailand kung saan nakatrabaho niya ang ilang kilalang celebrities sa Malaysia at Indonesia.

Samantala, hiningan din ng reaksiyon si Kim tungkol sa kinasangkutang iskandalo ng leading man niya sa Ikaw Lamang sa nakaraang The Naked Truth underwear show, aniya, lahat daw talaga sila ay naapektuhan sa issue, “Lahat kami nag-uusap, parang wala naman siyang kasalanan.

“Artista kami, siyempre gagawin namin kung ano ang pinapagawa sa amin. Kami gagawin namin ang pinagawa ninyo kasi yun ang program ninyo. Hindi namin alam na iba ang makikita ng Gabriela. Iba pala ang tingin nila.

“Yung model nga, ayos naman sa kanya. Sa amin, bilang artista, sa ikagaganda ng show, gagawin namin. Ganu’n yung tema ng show—animalistic,” sabi pa ni Kim.

Natutuwa rin siya na maayos na ang lahat at mas lalo raw tumaas ang respeto at paghanga niya kay Coco nang humingi ito ng sorry sa lahat at matapang na nakipag-ayos sa mga women’s group.

Speaking of Ikaw Lamang, asahan daw ng mga manonood ang mas marami pang pasabog sa huling linggo ng serye, ayon kay Kim, mas matitindi pa ang mga aabangang eksena sa nalalapit na pagtatapos ng programa.

Sabi naman ni Coco, “Siyempre, yung nagawa namin sa Book One, sana mapantayan namin or kung maaari, malampasan namin yung ganda ng pagtatapos ng Book One.” Hindi pa nila alam ang magiging ending ng serye dahil hindi pa nga ito nakukunan, pero kung sila ang tatanungin, “Gusto ko sana happy ending.

Kahit paano pukawin natin yung puso ng mga manonood. Pasayahin naman natin sila hangga’t sa huli,” sabi ng Teleserye King.

Siniguro naman nina Coco at Kim na kahit tapos na ang Ikaw Lamang ay mananatili pa rin ang kanilang friendship.
“Siyempre, yung friendship.

Kasi kami ni Kim dati pa kaming magkatrabaho. Sabi ko nga, parang kuya niya ako everytime na ano…sana, someday magka-trabaho pa kami uli. Kahit hindi sa TV, kahit man lang sa pelikula,” sey ni Coco.

Ngayon pa lang ay nalulungkot na sina Kim at Coco, mami-miss nila ang mga kasamahan nila sa serye “Siguradong habang patapos na nang patapos ‘yan, lalo na ngayon magkakasama kami sa iisang kuwarto.

Lalo na magkakasama kami nina Kuya Smokey Manaloto, sina Dennis (Padilla). “Wala kaming ginawa kundi ang magtawanan nang magtawanan, kain.

Sinasabi ko nga sa kanila, naku, nararamdaman ko yung pagtatapos kasi ang daming n   agpapakain sa set. Ayaw naming maghiwa-hiwalay,” dugtong pa ng premyadong aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman mapapahinga si Coco kahit tapos na ang Ikaw Lamang dahil patayan na rin ang shooting nila ni Kris Aquino para sa 2014 MMFF entry nilang ” Feng Shui 2″.

May malaking selebrasyon naman para sa nalalapit niyang kaarawan sa Nov. 1, isasabay na rin dito ang celebration ng kanyang 10 years sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending