Erik Santos pinigilan si Angeline na magpatapyas ng Boobs | Bandera

Erik Santos pinigilan si Angeline na magpatapyas ng Boobs

Reggee Bonoan |October 20,2014
facebook
share this

Erik Santos pinigilan si Angeline na magpatapyas ng Boobs

Reggee Bonoan - October 20, 2014 - 03:00 AM

erik santos

MARAMI tayong artistang gustung-gustong nai-interview lalo na kung may laman ang mga sinasabi – yung hindi showbiz, pranka at mabait. Bonus factor na lang kapag nakakatuwa siya.

At isa si Angeline Quinto sa kanila dahil hindi man siya nakatapos ng high school ay may laman naman ang kanyang utak, sabi nga, street-smart ang singer-actress at higit sa lahat, nakakaaliw talaga siyang kausap.

Tulad sa nakaraang presscon ng “Beauty In A Bottle” kasama sina Assunta de Rossi Ricci Chan, Empress, Miko Raval, Carmi Martin, Nanette Inventor at Angelica Panganiban mula sa Skylight at Quantum Films na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Sa tanong kung ano ang mga insecurity ng mga bida at kung kailan sila naging maganda, ito ang sagot ni Angeline, “Nu’ng sumali po ako sa Star Power, doon ko naramdaman ang mga insecurities ko kasi hindi naman ako maganda, tapos lahat ng contestants, may itsura.

Tapos kapag may gustong magpa-picture, iilan lang sa akin tapos pag grupo, hindi yata alam na kasama ako sa contest, ako pa ang inuutusang kunan sila.

“Yung mga ganu’ng insidente po, kaya nu’ng nanalo ako, salamat talaga kasi kinuha na ako ni Dra. (Vicki) Belo, marami siyang itinuro sa akin para gumanda at pinainom niya ako ng pampaputi, ininom ko po, imbes na isang beses lang sa isang araw, ginawa kong dalawa, isa sa umaga at isa sa gabi.

“E, parang hindi pa rin tumatalab, so nagpa-inject na po ako, hayun, okay na, tatlong taon na, e, di umepek na!” seryosong saad ng dalaga.  Feeling maganda na si Angge nang, “Nagkaroon po ako ng unang billboard mula sa David’s Salon, e, wala na ngayon, pero may kasunod, Belo malapit sa Greenhills, kaya maski hindi roon ang ruta ko, doon ako sa Edsa dumadaan para makita ko. Gustung-gusto ko pong nakikita ang billboard ko.”

Nalaman namin na binalak pala ni Angeline na pabawasan ang malaki niyang boobs, “Nu’ng una po ay plano kong paliitan itong boobs ko kasi sobrang laki at nahihirapan ako, na akala ng lahat ay nagpadagdag ako, hindi po.

“Kaya nag-consult ako kay Dra. Belo kung sakaling pabawasan ko, sabi naman niya masakit at sobrang sakit daw kaysa magpadagdag. Kaya gawan na lang paraan sa mga damit ko, minsan kasi nahihirapan ako talaga.

“Actually, sinabi ko kay Erik (Santos) ‘yun at nagalit siya sa akin nu’ng nasa LA kami, ASAP Live in LA, sinabi ko na gusto kong pabawasan at sabi nga niya ‘wag na kasi sisingilin ka niyan pagtanda mo.’”

Say namin mukhang mahilig si Erik sa malalaki ang boobs, “Mukha naman, kaya nga ang tawag niya sa akin hindi Angeline kundi Quinto lang, e, baka naaalala niya si Rufa Mae Quinto! Ha-hahaha! Joke lang po,” sangga ng singer-actress.

Sa tanong namin kung hindi siya nagseselos na baka nga si Rufa Mae ang naiisip ni Erik pag magkasama sila, “Hindi naman po, e, iyon naman po ang totoo, magkaapelyido kami ng ex-girlfriend niya.”

Inamin ng dalaga na, “Exclusively dating kami, kung dati ay mahal ko siya ngayon ay mahal na mahal ko na siya.  Handa naman po ako in the future po kung anong mangyayari, pero as of now, kinikilala ko pa rin si Erik kasi hindi pa lubos.

“May mga alam akong personal na sine-share naman niya, pero hindi pala totally, so ayoko munang madaliin at ayokong magsisi sa bandang huli.  Baka kasi may mga hindi pala ako gustong ugali niya,” pagtatapat nito.

Maraming nakapansin na malaki na ang nabago sa personalidad ni Angeline dahil hindi na siya jologs magsalita at inamin niyang nag-aaral siya ngayon sa John Robert Powers, “Kasi gusto ko naman din po mag-improve para naman pagtanda ko, e, hindi lang ganito ako.

Gusto ko nga ring bumalik sa pag-aaral, wala lang oras, pero next year baka pwede na. “Maraming nago-offer sa akin ngayon ng libreng culinary, sabi ko nga, hindi ko tatanggihan ‘yan kasi gustung-gusto ko po talaga ng may diploma.

Inuna ko muna kasing mag-ipon habang maraming offers, pero pangako ko sa sarili ko na babalik ako sa pag-aaral,” sey pa ng dalaga.Sa tanong kung alam niyang nakakatuwa siyang sumagot at kung sinasadya ba niya ito, “Depende po sa mood ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung nasa mood ako, siguro nakakatawa ako, sakto lang din naman ang alam ko.”  Anyway, tungkol sa pagpapaganda ang kuwento ng “Beauty In A Bottle” at gagampanan ni Angeline ang role ni Judith na laging kinukumpara ang sarili sa mga magaganda at sosyal na babae dahil gusto niyang ipakita sa pamilya ng boyfriend niya na talagang maganda siya.

Mapapanood na ang “Beauty In A Bottle” sa Okt. 29 mula sa Skylight at Quantum Films na sinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone na siya ring direktor ng upcoming movie na “Relaks, It’s Pag-ibig” mula sa Spring Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending