Jaclyn ayaw patulan si Laarni: Boto ako kay Jake para kay Andi!
Nakachika rin namin sa press launch ng Ilustrado ang isa sa magiging kontrabida sa buhay ng ating Pambansang Bayani at ng pamilya Rizal, si Jaclyn Jose bilang si Conchita Monteverde.
Siyempre, isa sa mga inusisa sa premyadong aktres ang tungkol sa kontrobersiyal niyang anak na si Andi Eigenmann at sa boyfriend nitong si Jake Ejercito na usap-usapan pa rin ang nakakalokang away-bati nilang relasyon.
Ayon kay Jaclyn, hindi siya nasaktan o napikon sa mga naging pahayag ng nanay ni Jake na si Laarni Enriquez tungkol kay Andi, partkular na ang pag-iwas nito sa tanong kung boto ba siya aa aktres para sa anak. “Okey lang yun, wala namang problema yun. It’s her prerogative.
“She’s the mother, huwag nating kalimutan na malaki rin ang sakripisyo ni Laarni sa anak niya. Kung anuman ang sinasabi niya, karapatan niya yun dahil siya ang nagpalaki sa anak niya, hindi tayo,” sey ni Jaclyn.
Ayaw nang makialam ni Jaclyn sa lovelife ni Andi, may sariling isip na raw ang anak niya, “Lovelife naman niya yun. Pag-ibig naman niya ‘yan. Hindi naman talaga ako sakop na niyan.”
Tungkol naman sa pasaring ni Laarni na sana raw ay manggaling sa maayos na pamilya ang maging asawa ni Jake, ang sagot ni Jaclyn, “Well, wish naman yun ng lahat ng nanay. Huwag nating masamain kasi wish yun ng lahat ng nanay.
“Siyempre, wish ng lahat na yung asawa ng iyong anak ay galing sa maayos, hindi magulong pamilya. Medyo may kaguluhan nga yung amin. Tama naman, kahit ikaw sa anak mo.
Kahit ako rin mag-wish, ganu’n. Pero iba ang buhay namin, e. Showbiz itself, magulo na.” Pero biglang hirit ni Jaclyn, “Ako boto ako kay Jake…buong pamilya ko.
Kasi, mabuting tao naman si Jake. I’ve known Jake all his life, so ano pa ba ang puwede kong sabihin? Napakabait niyang bata, napakatalino, napakamapagmahal niya sa magulang.
“Sobra ang pagmamahal niya sa magulang na kahit talikuran niya ang pag-ibig. Hindi ba, kahanga-hanga yun sa isang lalaki?” sey pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.