Globalport hahataw sa PBA Season 40 | Bandera

Globalport hahataw sa PBA Season 40

Mike Lee - October 17, 2014 - 12:00 PM

HINDI mamadaliin ni 2014 PBA top rookie pick Stanley Pringle ang sarili na maipakita ang angking husay para sa koponang Globalport Batang Pier.

Gayunman, si Pringle  ang isa sa tatlong aasahan ng Batang Pier para patingkarin ang kampanya sa Philippine Cup na magsisimula na sa Linggo.

Alam ni Pringle na nasa kanya ang mata ng manonood pero ang pressure na hatid nito ay kaya niyang hawakan.

“I look at pressure as something I can control. I just have to focus on how to be a better player,” wika ni Pringle na beterano ng ASEAN Basketball League at napagkampeon ang Indonesia Warriors tatlong taon na ang nakalipas.

“I will just have to take it step by step, game by game and make the adjustment. I have good teammates and I just like to play hard and work hard game by game,” dagdag nito.

Kasama sina Alex Cabagnot at Terrence Romeo, ang tatlong backcourt combination ng Globalport ay itinuturing na isa sa pinakamabilis at pinakamahusay sa liga. Silang tatlo rin ang mangunguna sa “run and gun” style ng Batang Pier sa taong ito.

Naniniwala rin si team owner Mikee Romero na makakarating kahit sa semis man lang ang kanyang koponan.

“Sanay akong manalo dahil eight straight years ay may title kaming napapanalunan mula sa PBL, international games tulad ng SEA Games at SEABA hanggang sa ABL,” aniya. ‘‘But now, I think our fighting chance is better. From the first player to the 14th player, lalaban ang team na ito.”

Mismong si Romero ang pumili ng mga manlalaro para bumuo sa kasalukuyang koponan at siniguro niya na lahat ng miyembro ng koponan ay palaban, may puso at hindi aatras sa anumang laban.

Ang misyon na ibinigay ni Romero sa tropang hahawakan pa rin ni coach Alfredo Jarencio ay ang makapasok sa semifinal round sa kauna-unahang pagkakataon.

“This team is a combination of youth and experience. We should land in the semis for the first time in our young PBA career this season. We have three conferences to do it. With a souped up lineup, I think we will be a very, very exciting team,” ani pa ni Romero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikilatis ang kalidad ng koponan sa Martes sa pagbubukas ng kanilang kampanya laban sa bagong koponan na NLEX Road Warriors.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending