Balik-PBA ang Purefoods | Bandera

Balik-PBA ang Purefoods

Barry Pascua - October 17, 2014 - 12:00 PM

A ROSE is a rose is a rose.

Kahit na ano pang itawag sa bulaklak na ito, rose pa rin siya.

Bigla ko tuloy naalala si Mr. Jaime Tangco na siyang literature teacher noong ako ay nasa high school. Ganun ang pagkakapaliwanag niya sa amin noon.

E, ano naman ang kinalaman ng paliwanag na iyon ngayon?

Balik Purefoods daw ang San Mig Coffee papasok sa 40th season ng Philippine Basketball Association na magsisimula sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nangangamba kasi ang ilan na baka sa pagpapalit ng pangalan ng kanilang paboritong koponan ay magpalit din ang ihip ng hangin at imbes na mapanatili nila ang kanilang ‘winning form’ ay maiba ang kanilang kapalaran.

Hinahabol kasi ng Mixers ang record ng legendary Crispa Redmanizers na nagwagi ng anim na sunud-sunod na kampeonato mula noong 1975 hanggang 1977.

Noon kasing PBA Press Corps Awards night ay hinamon (o tinuya) ni Atoy Co si San Mig coach Tim Cone na habulin ang record ng Redmanizers.

Magugunitang ang Crispa ay nagkampeon sa third conference ng maiden season ng PBA noong 1975 bago nabuo ang unang Grand Slam noong 1976. Nagkampeon din ang Redmanizers sa unang dalawang conferences ng 1977. So, bale anim na sunod iyon!

Ang San Mig Coffee ay nagkampeon sa Governors’ Cup ng 38th season bago nabuo ang ikalimang Grand Slam sa kasaysayan ng liga noong nakaraang season. So, dalawang sunod pang titulo ang kailangan para mapantayan nito ang record ng Crispa.

E, magpapalit ng pangalan! Baka maunsyami!

A rose is a rose is a rose.

Pangalan lang naman ang papalitan. At tsaka hindi naman talaga papalitan ng todo-todo ang koponan, e.

Ibabalik lang sa Purefoods na siyang original na pangalan ng koponan nang lumahok sa PBA noong 1988. Katunayan, bilang Purefoods ay na-establish ng team na ito ang pagiging dominante sa all-Filipino conference.

Dito nagsimula sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera at Jojo Lastimosa.

E sa Purefoods din naman nagsimula sina James Yap at Peter June Simon at dito nila unang napanalunan ang kanilang kampeonato sa PBA.

So, walang dapat na ipangamba ang mga fans.
Iyon pa rin naman ang personnel ng team, e. Walang nabago! Intact ang team na nakakumpleto ng Grand Slam.

Kung mayroon mang nagbago o magbabago, baka iyon ay ang hunger factor. Kasi apat na titulo na ang kanilang nasungkit. Gutom pa ba sila para sa ikalima o ikaanim?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang alam ko, ang nakakagutom ay ang amoy ng nilulutong Purefoods hotdogs, corned beef, bacon o chicken nuggets!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending