Ina ni Heart bwisit pa rin sa pagmumukha ni Chiz
Isa sa pinakamaligayang estado sa buhay ng isang babae ang araw ng kanyang pagpapakasal. Isang panibagong mundo na ang kanyang papasukin katuwang ang lalaking pinili niyang pakasalan.
Pero paano kung hindi naman kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil may basbas nga ang kanyang pagpapakasal pero wala naman sa okasyon ang kanyang mga magulang na dapat ay gagabay sa kanya sa pagpapaalam sa buhay-dalaga?
Ganu’n mismo ang nangyari kay Heart Evangelista, may basbas na ng kanyang mga magulang ang pagpapakasal niya kay Senator Chiz Escudero, pero wala ang mga ito sa pinakamahalagang okasyon sa kanyang buhay?
Marami nang namagitan sa magkabilang kampo, may nakapagpalambot na sa puso ng ina ni Heart, pero hanggang du’n lang ‘yun. Hindi pa rin matanggap ng mag-asawa bilang mamanugangin ang mambabatas.
Hanggang ngayon ay ayaw mabura sa isip ng mag-asawa ang mga unang araw ng pagkikilala nila ng senador. Ang pasalampak nitong pag-upo sa harapan nila habang lasing, ang hindi pagpasa ng senador sa kaugaliang pinaiiral ng pamilya ni Heart, marami pang ibang dahilan.
Malayu-layo pa naman ang kasalan, bibilang pa tayo nang ilang buwan, harinawang mula ngayon hanggang sa Pebrero ay magbago pa ang desisyon ng mga magulang ni Heart Evangelista para makumpleto ang kanyang kaligayahan sa pagpasok sa buhay-may-asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.