Carla: Sa totoo lang hindi pa kami nagde-date ni Tom!
NGAYONG Biyernes ng gabi (Okt. 17) na nakatakdang magtapos ang Kapuso primetime drama series na My Destiny na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kasama sina Rhian Ramos, Sid Lucero, at Ms. Lorna Tolentino.
Sa nalalapit na pagtatapos ng programa ay lalong tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng mga karakter. Kahit nga ang Kapuso actress na si Carla ay nagugulat din sa takbo ng kuwento, “Nagugulat na lang talaga kami kasi, as of the moment, ang daming conflict, tension, nag-aaway-away talaga lahat, sobrang intense.
So, hindi mo alam kung paanong babaligtad ‘yun. So kahit kami nagugulat pa.” Aminado si Carla na talagang mami-miss niya hindi lang ang My Destiny kung hindi lahat ng kanyang mga katrabaho.
Naging memorable sa aktres ang pagiging magaan na katrabaho ni Tom, “‘Yung gaan at tulungan namin (Tom). Laging nagpapatawa ‘yan sa set.
Kahit inaantok at pagod, siya ‘yung makikita mong mataas pa rin ang energy kahit alas-dose na ng umaga.” Samantala, nang matanong naman tungkol kay Ms. Lorna na gumaganap bilang ina ni Carla sa serye, ito ang naging sagot ng Kapuso actress,
“She can be funny pala! She’s not intimidating at all.” Dahil sa My Destiny ay lalo ring tumaas ang paghanga ni Carla sa direktor ng serye na si Bb. Joyce Bernal, “She is amazing! She has worked her magic on the best love teams in the industry so we are truly honored to be guided by her.
She really is the best when it comes to Rom-Coms. She’s funny and easy to work with too. You can loosen up and not feel pressured at all.”
Sa pagpapatuloy ng My Destiny, sino nga kaya ang nakatadhanang makasama ni Grace (Carla)? At anong kapalaran ang naghihintay kina Joy (Rhian), Jacob (Sid), at Matthew (Tom)?
Hindi dapat palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng My Destiny pagkatapos ng Strawberry Lane sa GMA Telebabad.
Samantala, hindi pa raw handa si Carla na sagutin si Tom, sa katunayan, hindi pa raw talaga sila nakakalabas ng sila lang,
“Sabi ko nga, sana ‘pag ano, sana makapag-date man lang kami or something. Yun bang magkaroon kami ng time na kaming dalawa lang. Wala pa, kasi ngayon, puro kami trabaho.
“Hindi kami nakakapag-date. Ang date namin, lunch break dito, yung ganun, dinner break. So, sana magkaroon na kami ng time,” sey pa ng aktres. So, siguro naman after ng My Destiny pwede na silang mag-date, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.