Derek sa sagupaan nila ng dating misis: Tuloy ang laban…wala nang urungan!
Ayon sa kampo ni Derek Ramsay ay wala nang urungan ang gagawin nilang pagharap sa kasong isinampa laban sa kanya ni Mary Christine Jolly.
Lalaban na sila nang sabayan, wala nang puwedeng pumigil pa sa kanya, ayon sa aktor ay kailangan niya namang linisin ang kanyang imahe na pilit na winawasak ng babae.
Bago ang huli nilang paghaharap ay nagkaroon sila ng pitong araw na palugit para ayusin ang mga dapat iayos, pero walang nangyari, sa halip ay isang rejoinder affidavit pa nga ang isinumite ng hunk actor nang sumunod silang magtagpo sa piskalya ng Makati.
Kabaligtaran ng inaasahan ng babae ang naganap, desidido na si Derek at ang kanyang pamilya, wala nang urungan ang pakikipaglaban niya kay Mary Christine Jolly.
At sa proseso ng kanilang paglalaban ay ang kanilang anak na si Austin Gabriel ang nalalagay sa alanganin, nagagamit ang bata sa usapin, wala pa namang kakayahan at karapatang mamili ng magulang ang isang anak.
“Nakakaawa ang bata, gulong-gulo na siya, hindi na niya alam kung sino sa mga magulang niya ang nagsasabi ng katotohanan.
“Sana lang, e, mai-spare ang anak nila sa laban, nakakaawa ang bata,” opinyon pa ng isang nakausap namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.