GILAS PILIPINAS WAGI SA INDIA | Bandera

GILAS PILIPINAS WAGI SA INDIA

Frederick Nasiad - September 24, 2014 - 03:00 AM

gilas pilipinas

BINIGO ng  Gilas Pilipinas ang India,  85-76, sa unang laro nito sa men’s basketball tournament ng 17th Asian Games kahapon sa Incheon, Korea.

Lumamang ng 19 puntos ang Pilipinas, 84-65, limang minuto pa ang nalalabi sa laro nang sinubukang maghabol ang India na nagpakawala ng 11-0 rally para makalapit ng walo, 84-76.

Sa huling 36 segundo ng laro ay napigilan ng Gilas Pilipinas na makalapit pa ang India  at maagaw ang panalo sa mga Pilipino.
Napagkalooban ng ‘bye’ ang Pilipinas sa unang round at kasama ngayon ng bansa sa Group E ang India at 2013 FIBA Asia champion Iran. Ang India ay nag-qualify galing Group B.

Ang Pilipinas ay pinangunahan kahapon ng naturalized player na si  Marcus Douthit at sharpshooter na si  Jeff Chan na parehong umiskor ng 14 puntos. Si Douthit ay kumuha rin ng  game-high 10 rebounds.

Nag-ambag naman si  Gary David ng 13 puntos at si June Mar Fajardo ng  12 puntos. Samantala, napabilang na ang Pilipinas sa medal tally kahapon matapos na manalo ng silver medal si  Daniel Parantac sa men’s tajiquan event ng wushu.

Si Parantac, na nanalo ng ginto sa Southeast Asian Games sa parehong event, ay umiskor ng 9.68 puntos at kinapos sa iskor na 9.78 ng gold medalist na si Zhouli Chen ng China.

Ang bronze medal ay napunta kay Chan Ko Ko Nyein ng  Myanmar na  may  9.65 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending