Status ng SSS benefits sisilipin | Bandera

Status ng SSS benefits sisilipin

Liza Soriano |September 19,2014
facebook
share this

Status ng SSS benefits sisilipin

Liza Soriano - September 19, 2014 - 03:00 AM

MA’AM may katanungan lang po ako about sa SSS. Ang tatay po ng asawa ko ay namatay na at meron po siyang SSS.
Hindi ko po alam kung sinu-sino ang nakasulat na beneficiary. Nilakad po ng asawa ko, pero hiningan po sila ng ID. Ang kaso ang iba pang kapatid po niya ay walang mga ID, pero may SSS number po sila sa SSS ng tatay nila. Ibibigay ko na lang po uli kapag nakuha na namin. Salamat po God Bless
Esterlita Dacera
Baybay, Leyte
REPLY: Para sa iyong katanungan, Mrs. Dacera, kung sino ang beneficiary ng iyong namatay na biyenan nais muna namin makita ang kanyang SSS number para masilip sa aming data base ang status nito.
Sa benipisyaryo ay kinakailangan ng mga dokumento o ID gaya ng postal ID, NBI clearance, Voter’s ID na magpapatunay na siya ay anak na miyembro ng SSS o sinuman sa mga kapatid nito
Sa pamamagitan nito, makikita namin kung may makukuhang benepisyo ang naiwang pamilya ng miyembro ng SSS
Kung buhay pa ang lehitimong asawa ng iyong biyenan, siya ang primary beneficiary o siya ang maaaring makakuha ng benipisyo.

Ngunit kung yumao na rin ito ay mas mainam kung ang panganay na anak muna ang mag file ng ng mga kinauukulang dokumento kasama na ang death certificate at nagastos sa pagpapalibing dito at pagkakakilanlan sa mga nabanggit na dokumento para makakuha ng karampatang benipisyo

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Office
Media Affairs
Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending