Relasyon ni Ai Ai sa 20 anyos na estudyante inulan ng batikos | Bandera

Relasyon ni Ai Ai sa 20 anyos na estudyante inulan ng batikos

Cristy Fermin - September 17, 2014 - 03:00 AM

GERALD SIBAYAN AT AI AI DE LAS ALAS

GERALD SIBAYAN AT AI AI DE LAS ALAS

Gerald Sibayan ang pangalan ng badminton player ng De La Salle University na sinasabing karelasyon ngayon ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Kung wala pang anumang kumpirmasyon ang komedyana tungkol sa pinagpipistahang balita, ang bagets naman ay umamin na, totoong girlfriend nito ngayon ang Comedy Concert Queen.

Nagkalapit ang kanilang loob dahil si Ai Ai ang isa sa mga tumatayong managers ng Badminton team ng DLSU.

Sa madalas nilang pagsasama sa practice at sa mismong laban ng team ay sobrang nagkalapit sina Gerald at Ai Ai.

Dumadaan na naman ngayon sa matinding pagpansin ang komedyana, kinukuwestiyon ng mas nakakarami ang katandaan niya nang tatlumpung taon kay Gerald, parang anak na lang daw niya ang atleta.

May mga nag-aalala rin na baka love on the rebound lang daw ito dahil kagagaling lang ng komedyana sa isang masaklap na karanasan kay Jed Salang, sana raw naman ay hindi, sana’y pag-ibig talaga ang dahilan ng pakikipagrelsyon niya kay Gerald Sibayan.

Imateryal na ang pagitan ng kanilang edad, wala namang pinaiiral na kautusan tungkol sa edad ang pakikipagmahalan, kung saan maligaya ang tao ay du’n siya dapat lumugar.

‘Yun ang pinakamahalaga. Hindi ang katayuan sa buhay, hindi ang edad, hindi ang kung anu-ano pang dahilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending