Angel ayaw patulan si Angelica: Alam ko, ok naman kami!
Walang dahilan para mag-react si Angel Locsin sa mga patutsada diumano ni Angelica Panganiban tungkol sa ginagawa niyang pagko-comedy.
Marami kasi ang naniniwala na si Angel ang pinatatamaan ng girlfriend ni John Lloyd Cruz sa kanyang Twitter account na nagsabing, “Te…Ang comedy, may tamang pasok… Wag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin.”
Sa episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkules, tinanong daw ni Kris Aquino si Angel tungkol sa nasabing isyu sa kanila ni Angelica, at ang naging sagot daw ng aktres, “Ang weird naman na mag-re-react ako dahil hindi naman pinangalanan at feeling ko, okay naman kami.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.