Jed Madela inagawan ng trabaho si Ogie sa OPM? | Bandera

Jed Madela inagawan ng trabaho si Ogie sa OPM?

Ambet Nabus - September 06, 2014 - 03:00 AM


SI Jed Madela ang itinalaga ng gobyerno para maging representative ng OPM Music Industry Sector sa NCCA (National Commission on Culture and the Arts).

Ang naturang appointment ang magbibigay kapangyarihan kay Jed para maging boses ng music sector sa mga proyekto at suportang ipututupad ng gobyerno through the NCCA.

Magiging bahagi rin siya ng Executive Council of the National Committee on Music. “Surprised siyempre but I feel so proud and honored. To be given this kind of opportunity is a dream come true for someone like me na naghahangad din siyempreng makatulong sa industriya ng musika,” paliwanag pa ni Jed Madela na agad nagsimula ang termino noong Sept. 3, 2014.

Wala naman siyang nakikitang conflict sa current set up ng OPM being led now by Ogie Alcasid, “Collaboration pa nga dapat kasi yung mga isyu ng organisasyon ay mas madali na ngayong maa-address.

There are other issues about the music industry in general at du’n nga kami magsisimula,” dagdag pa ng magaling na singer.
Bilang official representative sa NCCA ay umaasa si Jed na mas magkakaroon ng “ngipin” ang mga panukala at batas ng OPM at iba pang may kinalaman sa Pinoy music at mas magiging bukas ang grupo sa ahensya ng gobyerno na nag-appoint sa kanya.

Samantala, balik sa concert scene si Jed ngayong Sept. 12 via his “All Requests 2” sa Music Museum. Kung dati ay walang siyang inaanunsyong mga bisitang makakasama dahil surprise nga dapat, ngayon ay well-promoted ang sinasabing susunod sa kanyang trono na si Darren Espanto, runner-up sa The Voice Kids at ang dance duo na Xtreme Dancers.

“Marami kasing nagre-request lalo na yung mga nabibitin sa ASAP numbers namin ni Darren. This is the perfect time so sulitin na natin ang chance,” sagot ni Jed.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending