Premium dati, unleaded ngayon
MARAMING pagkakaiba ang premium at unleaded gasoline. Marahil ang ating texter….2355, ng Barangay San Roque, Kolambugan, Lanao del Norte, ay gumagamit ng unleaded gasoline.
Mayroon pa ring mga gasolinahan sa probinsya na nakapagbebenta ng regular gasoline na siyang akma sa mga street motorcycles.
Ang regular na gasolina ay pinalitan na ng E-10 ma-tapos na ipasa ang Clean Air Act na nagmamando sa mga gasolinahan na haluan ng 10 porsyentong ethanol ang ibinebenta nilang gasolina.
Meron namang mga rider na premium na ang ginagamit na gasolina bagamat ito ay mas mahal. May mga rider na nagkakarga ng premium tapos babalik sa unleaded at babalik na naman sa premium.
Ilang rider naman ang pinaghahalo-halo ang laman ng kanilang tangke. Ang malimit na pagpapalit ng ginagamit na uri ng gasolina ay makasasama sa makina ng sasakyan.
Sa una ay maaaring hindi maramdaman ang pagbabago sa takbo ng sasakyan. Pagtagal maaaring magdulot ito ng paghina ng hatak ng sasakyan o pagbagal ng takbo nito.
Ang isang bagong 125cc motorcycle na unleaded lamang ang ginagamit ay maaaring magkaroon ng problema sa spark plug sa loob ng apat hanggang limang taon.
Ang pananatili sa paggamit ng unleaded ay nakapagpapahaba rin ng exhaust system component ng motorsiklo. Pero kung papalit-palit nang ginagamit na gasolina, malaki ang posibilidad na magkaroon ng deposito ang spark plug.
Ang bara ay magpapahina sa hatak ng makina at haharang sa pagdaloy ng kuryente sa sasakyan lalo na sa pagpapa-andar nito.
Kapag hindi na umandar ang motorsiklo sa push button start, ang susunod na gagawin ay padyakan ito.
Pero kung makapal na ang bara sa spark plug maaaring hindi rin mag-start ang sasakyan kahit pa padyakan ito. Maaari ring umabot na sa makina ang bara kaya dapat itong ipasuri sa mekaniko upang hindi na lumala pa ang sira.
MOTORISTA
Oil sa XRM
AKO po si Jean, ng South Cotabato. Ang motor ko po ay XRM 125 model 2013. Forty kilometers ang byahe ko araw-araw, mula bahay papuntang trabaho, vice versa. Ano po ba ang bagay na oil sa motor ko?
JEAN
BANDERA
BAGO pa ang motor mo, kung tutuusin. Sundin lamang ang inirerekomenda ng manual. Sensitibo ang makina ng Honda sa langis na di angkop. May mga riders na itinataas ang uri ng langis, yung pang-karera o big bike, para bumilis (daw) ang takbo. Maaaring iyon nga ang nararamdaman nila, pero sa katagalan ay makina ang nabubugbog dito.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.