Ngawa ng EDSA | Bandera

Ngawa ng EDSA

- February 27, 2012 - 03:23 PM

NADINIG na natin ang malalaman at makukulay na talumpati sa nakalipas na paggunita (mahirap tawaging selebrasyon dahil hindi ipinagdiriwang ang lugmok na kalagayan ng ekonomiya, mamamayan at gobyerno) ng EDSA, na tinawag pa man ding rebolusyon, na ang katotohanan sa kasalukuyang pamumuhay ay insulto na lang sa taumbayang patuloy na pinangangakuan ng mga politikong hunghang, at suwail kapag nakapuwesto na.

Sa salitang dyaryo, drawing at attendance na lang ang mga talumpati para matapos at mairaos lang ang okasyon.

Drawing at attendance dahil kailangang igayak sila’t ayusin para makunan ng mga retratista at television news crew nang may maipakitang kung sinu-sinong dumalo sa pagtitipon.

May punto ang militanteng Gabriela nang sabihin nilang wala silang nakitang dahilan para ipagdiwang ang ika-26 na anibersaryo ng EDSA People Power 1 dahil ayaw pigilin ng Ikalawang Aquino, na anak nina Ninoy at Cory, ang araw-araw na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang gasolina, krudo’t liquefied petroleum gas.

Pero, sa press release ng Malacanang, na nakapamimighating aminin na pinasusuweldo ng arawang obrero, ay tinutugunan na ng malinis at tuwid na liderato.

Dahil sa ayaw pansinin ng Ikalawang Aquino ang napakataas na presyo (laman na lang daw ang mura kaya mas lalong dumami ang mga nagbebenta nito), ayon sa Gabriela, di nakapagtatakang di na natutugunan ang “basic social services” para sa mahihirap.

Paano mapaglilingkuran ang taumbayan gayung sa Pebrero pa lang ay anim na beses nang tumaas ang presyo ng langis?  Di ba?  Kailangan pa bang i-memorize yan?

Sa santambak na ngawa sa EDSA, natatangi ang kay Fidel Ramos, dating pangulo, heneral at sundalo.

Malinaw ang kanyang turan: di maiibsan ng impeachment trial ang kahirapan at mas lalong di nito matutugunan ang pangangailangan ng mga nagugutom at walang trabaho.

Patama sa Ikalawang Aquino.

Pero, may patama rin naman ang Unang Aquino at ito’y nagmula kay Chino Roces, nang gawaran ni Cory ng Legion of Honor, ang pinakamataas na pagkilala.

Sa kanyang talumpating pagtanggap, binanatan mismo ni Chino si Cory na umaaktong ala-Marcos.

Di nakapalag ang Unang Aquino.  Di rin nakapalag ang Ikalawang Aquino, o papalag pa lamang.

Tuwid? Teka.  Lihis ang pagkiling sa nagkakamaling mga kaibigan, kabarilan at kakampi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At patuloy silang nagkakamali tungo sa daan ng katiwalian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending