Erich umamin: Di talaga kami super close ni Enchong! | Bandera

Erich umamin: Di talaga kami super close ni Enchong!

|February 27,2012
facebook
share this

Erich umamin: Di talaga kami super close ni Enchong!

- February 27, 2012 - 02:51 PM

So, hindi pala talaga close sina Erich Gonzales at Enchong Dee?

So, nagpaplastikan lang ba sila kapag magkasama sa trabaho?

Mismong si Erich kasi ang umamin na sa kabila ng mahabang panahong pagiging magka-loveteam nila ay never silang naging super close tulad ng ibang loveteams sa local showbiz.

“To begin with, we were never really close, like yung sobrang on the set na chika-chika, kasi nandun naman kami para magtrabaho.

I’m not saying na hindi kami nag-uusap or kung anuman, pero di ba ‘pag trabaho, trabaho talaga?

“Napakaimportante na during breaktime kuwentuhan, pero ‘pag trabaho, trabaho talaga.

Saka as long as nakaka-deliver kami kung ano ang hinihingi sa amin sa eksena ng director, okay naman yun, okay yung relationship namin,” litanya ni Erich sa isang TV interview.

Ngayong matatapos na ang teleserye nila ni Enchong na Maria La Del Barrio, tinanong ang dalaga kung hindi ba sila nabigyan ng chance na maging best of friends?

Ito lang ang naging sagot ni Erich, “Basta sobrang thankful kami dahil sa partnership namin sa ilang teleserye na kaming magkasama.

May mga tao kaming napapasaya at nai-inspire namin sila.”

Naku, kayo na ang bahalang humusga kung ano nga ba ang tunay na estado nina Erich at Enchong!

Kung nagselos ba si Erich sa rumored girlfriend ni Enchong na si Julia Montes o si Enchong ang talagang lumalayo kay Erich?

Basta para sa amin, ang loveteam nila ang isa sa mga kayamanan ng ABS.

Anyway, muling naging worlwide trending topic sa Twitter ang Maria La Del Barrio dahil sa sunod-sunod na maiinit na eksenang ipinalabas nitong nakaraang linggo.

Sa halos pitong buwang pag-ere nito, talagang namayagpag sa rating ang serye.

Kasama rin dito sina Angel Aquino, Assunta de Rossi, Ian Veneracion, Jewel Mische at Aaron Villaflor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag palampasin ang huling linggo nito pagkatapos ng Lumayo Ka Man Sa Akin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending