Cha-cha baka si Binay lang ang makinabang | Bandera

Cha-cha baka si Binay lang ang makinabang

Leifbilly Begas - August 27, 2014 - 03:00 AM

NASA isip ng ilang miyembro ng Liberal Party na maganda ang tinatakbo ng bansa sa pamumuno ni Pangulong Aquino kaya mas maganda kung mabibigyan pa siya ng isa pang termino.

Ito ang ginagamit nilang sandigan sa pagtutulak ng panukalang amyendahan ang political provisions ng Konstitus-yon.

Ang kanilang iniisip, malinaw, mananalo si Aquino sa 2016 presidential elections.

Pero paano kung hindi? E di ang makikinabang sa kanilang ginagawa ay si Vice President Jejomar Binay na sinasabi nilang hindi malinis ang kalooban.

Ayaw na ayaw nila kay Binay dahil masasayang umano ang nakamit ng bansa sa pamumuno ni Aquino.

Kung magtatagumpay sila sa Chacha political provisions edition (meron pa kasing isang Chacha, economic provisions naman), baka ang makinabang nito ay si Binay.

Kung tatalunin ni Binay si Aquino, e di may isa pa siyang termino, makakatakbo siya muli sa 2022.

Ayon sa mga survey, bumababa na ang rating ni Aquino at mas mataas sa kanya si Binay.

Tandaan na ang mga survey na ito rin ang nagsabi na sina Aquino at Binay ang mananalo noong 2010 elections.

Marami ang naniniwala na mahina ang ebidensya laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kasong plunder kaugnay ng iregularidad umano sa paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakapagpresinta na ng ebidensya ang prosekusyon at walang nakapagsabi na si Arroyo ang nag-utos na gamitin ang daang-milyong pondo na maraming pasyente na sana ang natulungan

Kaya nga pumayag daw ang korte na maghain ng demurrer ang kampo ni Arroyo para patunayan na walang ebidensya at ibasura na ang kaso.
Pero kung tama ito, bakit kaya hindi siya pinayagan ng korte na maglagak na lamang ng piyansa gaya ng mga kapwa akusado niya?

Kung tutuusin ay mas magaan at mas madaling tanggapin ng mga kalaban ni Arroyo na payagan siya ng korte na makapagpiyansa, kaysa mabasura ang kaso laban sa kanya.

Napatunayan noong 2007 at 2010 elections na “totoo” ang kiss of death ni Arroyo. Kaya nga walang gusto na magpa-endorso sa kanya kahit siya ay nasa administrasyon.

Kapag nadidikit sa Arroyo ay minamalas daw, ganito kasama ang pagtingin kay Arroyo.

Si Arroyo ay ginawang huwaran ng paglaban sa korupsyon, kaya kung pala-labasin siya ay parang ipinahiya na ang tuwid na daan.

O baka naman ang sabihin kapag naibasura ng Sandiganbayan ang kaso kay Arroyo ay gumaganti ang korte.

Medyo mainit ang ehekutibo at hudikatura dahil sa mga kuwestyon sa mga polisiya ng dalawang kampo.
Ibinabasura ang polisiya ng ehekutibo gaya ng Disbursement Acceleration Program, samantalang may mga kakampi ng administrasyon na pumupuna sa Judiciary Development Fund, ang bilyon-bilyong pisong pork barrel fund ng SC chief justice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending