Ika-9 panalo puntirya ng San Beda, Arellano | Bandera

Ika-9 panalo puntirya ng San Beda, Arellano

Mike Lee |August 25,2014
facebook
share this

Ika-9 panalo puntirya ng San Beda, Arellano

Mike Lee - August 25, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. San Sebastian vs San Beda
4 p.m. Mapua vs Arellano
Team Standings: San Beda (8-2); Arellano (8-2); Perpetual Help (6-4); JRU (6-4); St. Benilde (6-4); Lyceum (5-5); Letran (4-6); EAC (3-7); San Sebastian (3-7); Mapua (1-9)

KUNG hindi pa rin makikitaan ng ibayong tikas ang San Sebastian at Mapua ay pihadong walang magiging problema ang magkasalo sa liderato na San Beda at Arellano sa pagpuntirya ng isa pang panalo sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Unang magsusukatan ang Red Lions at Stags sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng palitan ng buslo sa hanay ng Chiefs at Cardinals dakong alas-4 ng hapon sa labanan ng mga nasa itaas at ibabang teams.

May magkatulad na 8-2 baraha ang San Beda at Arellano at pareho silang pinapaboran na manalo pa matapos umukit ng panalo sa first round.

Dinurog ng four-time defending champion San Beda ang San Sebastian, 75-56, habang ang Arellano, na nakikitaan ng pinakamagandang kampanya sapul nang pumasok sa liga apat na taon na ang nakalipas, ay umani ng 68-63 panalo laban sa Mapua.

May 3-7 baraha ang Stags at patuloy na minamalas sa liga. Sa huling laro laban sa Chiefs ay nakalamang na sila ng 12 puntos pero lumasap pa ng 98-101 pagkatalo nang kumulapso sa huling yugto.

Dapat na maibalik nina Jamil Ortuoste, CJ Perez, Jovit dela Cruz at Bradwyn Guinto ang dating laro para magkaroon ng mas malakas na tsansa na matalo ang Red Lions na galing sa 74-69 panalo sa Cardinals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending