Giant aircon sa BGC viral na, hirit ng netizens: ‘Puno pa rin ang solusyon!’
“PAG naging presidente ako, papalagyan ko ng aircon ang buong Pilipinas!”
‘Yan ang madalas nating marinig sa mga bata dahil sa tindi ng init na nararanasan natin sa ating bansa.
Pero alam niyo ba, nagkaroon na ng higanteng split type aircon sa Taguig City!
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA readers, meron na niyan malapit sa 1st Avenue ng BGC.
Ang balitang ito ay ibinandera ng vlogger na si Jhonny Khooo sa Facebook noong May 11.
Baka Bet Mo: #RefreshingYarn: Top 10 ‘samalamig’ ng mga Pinoy tuwing tag-init
Makikita sa video na nagpapalamig sa isang open waiting shed ang giant aircon.
Ang madalas sumilong diyan ay ‘yung mga commuters na naghihintay ng kanilang masasakyan na bus, taxi at angkas.
“Sa tindi ng init ngayon, finally, lumitaw na ‘yung malaking aircon dito [sa BGC]. Ito na ba ‘yung pagsisimula sa paglalagay ng aircon dito sa buong Pilipinas? Ayan oh, ang laki!” sey ng vlogger sa video.
Dagdag pa niya, “Malaking tulong ito lalo na sa mga commuters na nag-aantay [diyan] sa waiting shed.”
Mapapanood na nilapitan pa mismo ng uploader ang naturang waiting shed upang ipakita kung saan bumubuga ‘yung hangin at diyan niya naramdaman ‘yung lamig mula sa giant aircon.
Inusisa nga rin niya ‘yung likod ng waiting shed kung saan makikita naman ang outdoor unit ng aircon.
“‘Diba ganyan ‘yung [itsura] kapag sa mga split type [na aircon],” sambit pa niya.
Viral na ang nasabing post at as of this writing ay umaani na ito ng halos 4 million views.
Sa comment section, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens na ang karamihan ay mas bet pa rin ang magkaroon ng mga puno sa lugar.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Wow nice…[pero] sana nagtanim nalang sila ng puno.”
“Okay naman siya pero puno ang talagang solusyon at hindi aircon…pinapalamig nga niya ang loob pero sa labas bumubuga siya ng init.”
“Please save energy [folded hands emoji] and plant more trees. God bless [Philippine flag emoji]”
“Kung puno nalang nasa kada sidewalk…luminis pa ang hangin.”
“TREES! Hindi na po gagastusan ng mamamayang Pilipino ang kuryente pag puno ang pinili at hindi mga ganyan.”
“Having an aircon at the street is not a long term solution. Planting trees all over the land is the best solution. We can upgrade but we should always consider our mother nature.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.