BGC bilang parte ng Taguig City lalong pinagtibay ng Supreme Court
IT’S FINAL! Ang Bonifacio Global City (BGC) lifestyle at business district, pati na rin ang Bonifacio Military Reservation (BMR) ay bahagi ng Taguig City.
‘Yan ang naging hatol ng Supreme Court noong April 3 matapos pagdesisyunan ang isang kaso na kung saan ay parehong inaangkin ng Taguig at Makati ang nasabing lugar.
Ayon sa court ruling, “Clearly, the greater weight of evidence, consisting in contemporaneous acts of lawful authorities, favor the position of Taguig.”
Bukod sa BGC at BMR, ang ilan pag lugar na pinag-aawayan ng Taguig at Makati ay ang Philippine Army Headquarters, Navy installation, Marines headquarters, Consular area, JUSMAG, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village, at anim pang mga barangay.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamahalaang Lungsod ng Taguig na ang final na pasya ng SC ay nagtatakda ng panibagong kabanata para sa sa kanilang lungsod at sa mga residente.
“Our victory in the courts of law is not merely a vindication of our rights. It is equally a command for us to make good use of this once-in-a-lifetime opportunity to expand our brand of committed public service to new constituents. We welcome our new Taguigeños with this solemn promise,” sey sa pahayag ng Taguig LGU.
Nag-umpisa ang paghabol ng Taguig sa mga nasabing lugar noon pang 1587 nang ito ay unang itinatag bilang isang “pueblo” o bayan sa loob ng Spanish province of Manila na ngayon ay Rizal.
Noong 1903, ang Taguig at Muntinlupa ay naging parte ng Pateros, ngunit makalipas ang dalawang taon, ang Pateros ay pinalitan bilang Taguig.
Read more:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?
Pakape yarn: ‘Coffee Festival’ sa BGC tuloy na ngayong Marso, may libreng concert
Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.