Rayver sa b-day ni Julie Anne: 'Mahalin kita habambuhay!'

Rayver sa b-day ni Julie Anne: Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay!

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 03:59 PM

Rayver sa b-day ni Julie Anne: Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay!

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz

PINAKILIG muli ni Rayver Cruz ang mga fans sa madamdamin niyang birthday message para sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Binigyan ng birthday surprise ng Kapuso weekly musical-variety show na “All-Out Sundays” si Julie Anne kahapon kung saan binati siya ng kanyang mga kasamahan sa programa.

Siyempre, ang pinakapasabog ngang mensahe ay nanggaling sa boyfriend ni Julie Anne na si Rayver na punumpuno ng puso at pagmamahal.

“Wish ko lang for you is good health. Alagaan mo ‘yung health mo. Ako ‘yung nahihirapan ‘pag nagkakasakit ka,” ang simulang pagbabahagi ng Kapuso actor-TV host.

Sey pa ng binata, itinuturing niyang isang malaking blessing ang pagdating ni Julie Anne sa kanyang buhay at forever daw siyang magiging thankful and grateful dahil dito.

Baka Bet Mo: Rayver napa-wow sa pagkasa ni Julie Anne sa ‘Piliin mo ang Pilipinas’ trend

“Sobrang blessed naming lahat to witness an artist like you. For me, ikaw ang pinakamagaling.

“Ikaw lang ang makakagawa niyan and sobrang suwerte ko na nagustuhan mo ako.

“Excited na ako na marami pa tayong magawa. Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay. Happy birthday, my love. I love you!” ang buong mensahe ni Rayver para sa kaarawan ni Julie Anne.

Ang reaksyon naman ni Julie sa mga naging pahayag  Rayver, “To my love, Ray, I love you so much. You always make me happy everyday and always, so I love you. I am proud of you too!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending