PRINGLE TOP PICK SA PBA ROOKIE DRAFT | Bandera

PRINGLE TOP PICK SA PBA ROOKIE DRAFT

- , August 25, 2014 - 09:27 PM

TULAD ng inaasahan si Stanley Pringle ang naging first overall pick sa ginanap na 2014 PBA Rookie Draft kahapon kung saan pinili siya ng Globalport Batang Pier na naghahangad na mabago ang kanilang estado sa pagbubukas ng 40th season ng pro league sa Oktubre 19.

Ang 27-anyos na si Pringle, na matagal nang nakapaglaro sa labas ng bansa, ay maglalaro sa koponang nagwagi lamang ng pinagsamang pitong laro sa nakaraang season – dalawa dito sa ilalim ng bagong coach sa huling dalawang kumperensiya.

Ang Batang Pier ay umabot sa playoffs ng isang beses sa kanilang unang dalawang taon sa liga at napatalsik sila sa quarterfinals sa kaisa-isang pagkakataon na nakapasok ito.

Sa pagpasok ni Pringle – isa sa pangunahing manlalaro ng Indonesia Warriors nang mapanalunan nito ang titulo sa Asean Basketball League dalawang taon na ang nakakalipas – ang Globalport ay magkakaroon ng mas malalim na backcourt rotation na makakasabay sa pinakamahuhusay sa liga.

Ang Rain or Shine, na pinaghahandaan ang posibleng pag-alis ni Paul Lee sa koponan, ay pinili si Kevin Alas bilang second overall pick bagamat ang pinakamalaking sorpresa na naganap sa first round ay ang pagkakapili ni boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao bilang 11th overall pick ng expansion squad KIA Motors.

“It’s an insurance choice for us because of the uncertainty of Paul (Lee),” sabi ni Guiao patungkol sa pagpili sa
6-foot guard na si Alas. “We will still make an effort to sign Paul. He and Kevin can play together.”

Bagamat hindi sumipot sa nasabing okasyon, pinalakpakan naman ang pagpili kay Pacquiao ng mga madlang nanood sa Midtown Atrium ng Robinsons Manila subalit nakakagulat din ito dahil sinayang ng KIA ang pagkakataong makakuha ng lehitimong talento sa first round kung saan puwede nitong buuin ang koponan.

Ang multi-division world boxing champion ay magsisilbing head coach din ng KIA.

Si Ronald Pascual, na miyembro ng Gilas Cadet pool tulad ni Alas, ang naging third pick matapos piliin ng San Miguel Beer, na nakuha ang nasabing draft pick mula sa Barako Bull kapalit nina Chico Lanete, Jojo Duncil at dalawang future Draft picks.

Si Matt Ganuelas, ang 6-foot-5 guard na halos katulad ni Gabe Norwood, ang naging fourth overall pick ng NLEX, ang pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng PBA D-League bago nakapasok sa liga matapos bilihin ang prangkisa ng Air21.

Ang Fil-American point guard na si Chris Banchero ay kinuha ng Alaska bilang No. 5 pick bago pinili ng Barangay Ginebra San Miguel si Rodney Brondial bilang ikaanim na pick. Ang kambal na sina Anthony at David Semerad ay napili naman bilang ikapito at ika-10 ng Globalport at Barako Bull, ayon sa pagkakasunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating San Beda Red Lions forward na si Jake Pascual ay napunta naman sa Energy bilang No. 8 pick.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending