Mommy Divine kay Sarah: Dapat ang piliin niya yung masasandalan niya habangbuhay! | Bandera

Mommy Divine kay Sarah: Dapat ang piliin niya yung masasandalan niya habangbuhay!

Ervin Santiago |August 25,2014
facebook
share this

Mommy Divine kay Sarah: Dapat ang piliin niya yung masasandalan niya habangbuhay!

Ervin Santiago - August 25, 2014 - 03:00 AM

SA wakas, nagsalita na ang nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine tungkol sa walang kamatayang bintang sa kanya ng madlang pipol, ang pagiging pakialamerang ina.

Kahapon ipinagtanggol ni Mommy Divine ang sarili sa patuloy na pamba-bash sa kanya dahil sa diumano’y pakikialam sa lovelife ng kanyang anak. Sa isang episode ng Cinema News (Cinema One), sinabi ni Mommy Divine na never niyang diniktahan ang kanyang anak.

“Ganito kasi ang panuntunan namin sa buhay, na hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya na ‘Ito ang gusto ko para sa iyo.’ Hindi… ayaw namin ng ganun.

Pinapayuhan namin siya. Sasabihin namin, ‘Anak, ganito… Ganyan siya. Pero kung anong gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod.’ Desisyon pa rin niya,” sabi ng nanay ni Sarah.

“Lagi lang naming sinasabi na sana ‘yung lalaking pipiliin niya ay ‘yung masasandalan niya habambuhay. Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon, para sa ikabubuti ang emosyon.

Hindi ‘yung puro emosyon na lang. Pakonswelo na lang ang pisikal, ang appearance,’” dagdag pa nito. Sa ngayon, maligayang-maligaya si Sarah sa piling ni Matteo Guidicelli, pero may mga chika pa rin na patuloy na nakikialam si Mommy Divine sa relasyon ng dalawa.

May lumabas pa ngang chika na dinadabugan daw ni Mommy Divine si Matteo kapag dumadalaw sa kanila. Hindi rin daw basta-basta pinapayagan si Sarah ng mga magulang na makipag-date kay Matteo.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending