Tom magpapayaman para mapakasalan si Carla | Bandera

Tom magpapayaman para mapakasalan si Carla

Ervin Santiago |August 25,2014
facebook
share this

Tom magpapayaman para mapakasalan si Carla

Ervin Santiago - August 25, 2014 - 03:00 AM

MARAMING naniniwala na matagal nang magdyowa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Echos lang daw na nasa ligawan stage pa lang sila para nga naman mas ma-excite pa ang kanilang mga fans.

Ayon sa isang source, bago pa man matapos ang teleserye ng dalawa sa GMA na My Husband’s Lover ay nagkakamabutihan na ang dalawa. Ito naman yung panahon na nababalitang nagkakalabuan na sina Carla at Geoff Eigenmann.

Ang chika, si Carla raw ang tinabangan kay Geoff dahil marami raw itong ginagawang hindi niya ma-take. Pero kabaligtaran naman ang sinasabi ng mga kampi kay Geoff, si Carla raw ang unang nagloko at si Tom nga ang itinuturong isa sa mga dahilan ng break-up ng dating magdyowa.

Pareho na itong idinenay nina Carla at Tom. Pero ngayon nga ay umamin na ang aktor na nililigawan na niya si Carla, aniya sa huling interview, “She’s the one that inspires me the most right now. Mas lumalalim yung samahan naming dalawa.

That’s a big thing.” Paano nga ba siya manligaw, “In a traditional way, siyempre. You get to know the person, you get to know the family, ipapakita how serious you are, just like everyone else.”

Botong-boto naman daw kay Tom ang pamilya ni Carla, sa katunayan, nakilala na niya ang mga ito, “Actually, kahapon nakipag-dinner ako kasama yung family members niya. Her mom, sister, and titas.

It was a lot of fun.” Tuwang-tuwa naman ang binata nang mabanggit ng press sa kanya ang sinabi ni Carla na  “boyfriend material” naman daw siya, “Totoo? Sinabi niya yun? Yung buhok ko tuloy napakahaba.

Very flattering, ang sarap marinig.”  Mas lalong naging close ang dalawa nang magtuluy-tuloy ang pagsasama nila sa mga proyekto, lalo na nang gawin nila ang My Destiny na napapanood gabi-gabi sa GMA TeleBabad after Niño.

“Sobrang laking factor na nagkasama kami. Kasi when you’re always working together, all the walls you build up, your vulnerabilities, all of it, hindi mo maitatago sa kasama mo, e.

So it’s one of the best ways to get to know someone,” chika pa ni Tom. Nilinaw naman ni Tom ang isyu tungkol sa pagpapakasal nila ni Carla, mukhang hindi pa raw ito mangyayari soon, “For me as long as you’ve made the most out of your goals, as long as you have enough saved up to start a family, that’s when I would like to settle down.

Hirit pa ng binata, “Ayoko mag-start ng family nang wala akong means para suportahan yung pamilya. For now, wala pa. Malayu-layo pa, umpisa pa lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero yun naman goal ko mula noon pa, I’ve always dreamt that for myself. Mas attainable yun in the next few years if I just save up.”

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending