'Asoka' trend ni You Do Note Girl nag-viral dahil sa kili-kili

‘Asoka’ trend ni You Do Note Girl viral, pero dahil sa buhok sa kili-kili?

Pauline del Rosario - May 13, 2024 - 06:04 PM

'Asoka' trend ni You Do Note Girl viral, pero dahil sa buhok sa kili-kili?

PHOTO: Facebook/You Do Note Girl

USAP-USAPAN sa social media si Majo Lingat o mas kilala bilang si You Do Note Girl matapos kumasa sa sikat na “Asoka” makeup challenge.

Kabog at pasabog ang transformation na ginawa ni Majo, pero mukhang mas naging agaw-pansin sa maraming netizens ang buhok sa kili-kili ng dalaga na kitang-kita sa ipinost niyang video.

As usual, dahil nga riyan ay naging adib adib nanaman ang bashers sa comment section na talagang lantarang ibinandera ang kanilang pagba-body shame kay Majo.

Baka Bet Mo: Celebs, Influencers kanya-kanyang gimik sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ trend

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Pass may buhok sa kili-kili, baho niyan [laughing emoji]”

“Buhok sa kilikili ‘di nakapag-shave hahaha”

“May kaitiman pala kili-kili ni You Do Note Girl [laughing emoji].”

May mga dumepensa at sumuporta rin naman kay Majo na kung saan karamihan sa kanila ay iginiit na normal lang ito, lalo na sa mga nagdadalaga.

Heto ang mga sentimyento nila:

“​​It’s normal po magka-buhok sa kilikili! Ang hindi normal, kayo na hanggang ngayon ganyan pa din mag-isip!”

“What’s wrong with having buhok sa kili-kili? 2024 na mga utak taga-kweba pa rin kayo. “

“Ang laki ng issue sa buhok kaysa sa talent ng artist, nakakaloka mindset ng mga tao…Utak niyo nasa talampakan [laughing emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by You Do Note Girl 👑 (@youdonotegirl_official)

Kasunod niyan ay naglabas na rin ng saloobin si Majo at inalmahan ang maraming bashers at haters.

“Let’s us not normalize body shaming. Specially if its normal na may buhok tayo sa kili-kili. Nakita niyo lang po ang normal sa akin at sa ating lahat,” sey niya sa isang Facebook post.

Patuloy niya, “Pare-parehas lang po tayong nilalang ng Panginoon sa kanyang wangis. Wala po tayong pinagkaiba.”

“Tayo lang po ang nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa natin,” giit pa ng social media personality.

Mensahe pa niya sa madlang pipol, “Kabataan ang Pag-asa ng ating Bayang Pilipinas. Matuto po tayong panatilihin ang pagiging makatao at makabayan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, taong 2019 nang unang sumikat si You Do Note Girl matapos mag-viral sa social media ang kanyang panggagaya sa “Kadenang Ginto” stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Naging guest pa nga si noon ni Vice Ganda at tawang-tawa sa acting challenge ni Majo kasama sina Andrea at Francine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending