Flop na concert ni Daniel sa Subic kasinungalingan | Bandera

Flop na concert ni Daniel sa Subic kasinungalingan

Reggee Bonoan - August 24, 2014 - 03:00 AM


FLOP nga ba ang nakaraang concert ni Daniel Padilla sa Subic Bay Exhibition and Convention Center? Nakatanggap kami ng mensahe na hindi raw kumita roon ang concert ng batang aktor noong Agosto 9.

Sinabi pa na ipinamigay daw ang tickets para lang mapuno ang venue para pag kinunan ng video ay hindi halatang konti ang tao.

Nakabasa rin kami sa social media ng tungkol dito, pero hindi kami naniniwala kasi naipag-produce na namin ng concert si Daniel kasama sina Kathryn Bernardo at Khalil Ramos na talagang apaw ang tao.

Isinama na rin namin si Daniel sa Butuan City na pinrodyus ni Ms. Mary Ann Adiong in cooperation with the Tourism council ng nasabing probinsiya at talagang kulang ang venue sa rami ng nanood.

Inalam namin ito sa taga-Star Magic pero ang sabi si Karla Estrada na ina ng batang aktor ang tanungin namin dahil booking daw niya ito.

Ayon kay Karla hindi totoong flop ang show pero mas mabuting ang producer ng show na lang daw ang kausapin namin para mas klaro.

Kaagad naming tinanong si Moises Manio na sumagot naman kaagad, “Hi po kapatid, hindi po ito totoo. Maganda po ang turnout ng sales hindi man po punung-puno, na-meet naman po namin ang expected sales na talagang kumita nang bongga.

Kaya patuloy pa rin ang team Daniel Padilla concert sa darating na Setyembre 13 sa Batangas Coliseum naman for sure na pupunuin ng Teen King. Salamat po.”

“Daniel Padilla Road Tour 2014” ang titulo ng show ng batang aktor at special guests niya sina Kathryn, JC Padilla, Alex Diaz at Marco Gumabao.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending