Kasalang Dingdong-Marian gagamitin ng mga epal na politiko para sa eleksyon 2016 | Bandera

Kasalang Dingdong-Marian gagamitin ng mga epal na politiko para sa eleksyon 2016

Ambet Nabus - August 20, 2014 - 03:00 AM

TUNAY namang pinag-uusapan, kinaiinggitan ng ilan pero ikinatutuwa ng lahat ang royal engagement nina papa Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Bukod sa kanilang respective families and close friends, todo suporta din ang mother network nilang GMA 7 na for sure ay mayroong bonggang plano pagdating sa coverage ng magaganap na kasalan sa Dec. 30, 2014.

May mga pangalan na tayong nababalitaan na tatayong ninong at ninang ng GMA Primetime King and Queen. May gagawin pa raw isang big announcement ang engaged couple para sa iba pang detalye ng kasal  at ang tsika pa kapatid na Ervin, hindi nila paiiralin ang network war sa coverage ng kanilang wedding.

Kahit nga ang dating manager ni Marian na si kaibigang Popoy Caritativo ay balita ring kasama sa mga espesyal na taong makakasama sa kasalan bilang pagpapatunay daw na positibo ang layunin nilang pagbuklurin ang lahat ng mga taong naging mahalaga sa buhay pag-ibig at mga karir nila.

May mga nagsasabi namang naiinggit sila kay Marian dahil kitang-kita ang wagas na pagmamahal ni Dingdong sa Kapuso actress. May ilang celebrities naman na parang na-pressure sa naganap na proposal and wedding announcement ng dalawa.

May ibang female celebs naman na nagpapahaging na raw sa mga dyowa nila. Mayroon namang mga umeepal na pulitiko na tipong gusto yatang makisakay sa isyu dahil timing na papasok ang 2015 kung saan magsisimula nang maging bisi-bisihan yung mga taong noon pa ma’y humihimok na kay papa Dong na pasukin ang public service come 2016 elections.

Kaya huwag na tayong magtaka kung mabahiran ng politika ang tinaguriang royal wedding of the year. Pero sa kabuuan, halos lahat ay natutuwa at excited sa mga susunod na mangyayari.

Basta for us, super happy kami para kina Marian at Dingdong! Congratulations uli papa Dong at Yan.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending