HOROSCOPE, AUGUST 19, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, AUGUST 19, 2014

Madam Sophia - August 19, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Darating na ang magandang kapalaran. Kahit magkamit ng masaganang pamumuhay panatiliin ang pagiging low profile upang hindi ka kaiingitan. Kapag hindi nag mayabang, tutuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at orange ang buenas.  

 Aries – (Marso 21-April 19)—Pag handaan ang iaalok na negosyo ng isang Sagittarius. Sa kanya ka sumosyo, malaking halaga ang kikitain nyong dalawa. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20)—Sa araw na ito mabibili mo na ang bagay na noon mo pa gustong-gustong bilin. Kapag hawak mo na ang malaking halaga, wag kalimutang abutan ang kasuyo, upang matuwa naman siya sa iyo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Om.” Red at white ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Ipaputol ang mahaba mong buhok. Sa maikling buhok, mas papalarin ka, sa pinansyal at pag-ibig, hatid ng kasuyong Libara.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Silver at purple ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)—Wag pairalin ang pagiging sobrang bait. Kapag ganyan kang lagi may mangungutang na naman ng walang bayaran. Sa pagibig kung lagi kang nagbabait-baitan uutuin ka na naman ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa araw na ito kung makakatanggap ka ng bagay na kulay yellow  ikaw ay susuwertehin. Kung hindi naman, bumili ka ng kulay yellow na gamit upang maakit mo ang magandang kapalaran sa pag-ibig at sa pinansyal. Mapalad ang 1, 4, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Bukod sa yellow ang red ay buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Damdamin ang magduduyan sa iyo sa kaligayahan sa araw na ito. In love ka na naman, kung siya ay isang Libra, ituloy mo lang. Sa pinansyal, hanapin ang isang Capricorn siya ang makakatulong sayo upang yumaman.  Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Kukubabawan ka ng kalungkutan sa araw na ito. Pagkain mahaba, manipis ang balat at kulay pula ang hagilapin mong sawsawan. Ang gulay na nabanggit, ang magpapanumbalik ng iyong sigla at init ng katawan. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Habang pumapasok ang zodiac sign na Virgo ipatupad ang mga balak. Sa panahong ito susuwertehin ka na sa salapi at sa romansa. Mapalad ang 7, 10, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Uso ngayon ang sakit. Upang lumakas ang immune system, sariwang hangin, sariwang prutas at berdeng mga gulay ang kainin. Mamamasyal at pumunta sa probinsiya, sa ganyang paraan mare-recharge pang lalo ang iyong enerhiya. Mapalad ang 3, 9, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath-Om.” Red at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matatabunan ka ng mga gawain sa araw na ito. Wag titigil, magpatuloy ka lang ng magpatuloy. Nasa harap mo na ngayon ang pagyaman. Sa pag-ibig, bago unahin ang puso, tiyaking maraming-marami ka ng ipong pera. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”.  Black at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Paglayo sa sinilangang bayan ang dapat isagawa. Sa ibang lugar, bagong pag-ibig at dagdag na pagkakakitaan ang madadatnan. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Orange at gold ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Magtataka ka kung bakit kinakapos ka na naman, gayong malaking salapi naman ang lagi mong nahahawakan. Hindi ka kasi marunong magtipid. Simulan na ang malawakang pagtitipid upang mas maramdaman mo ang value ng iyong kinikita. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yophiel-Om”. Green at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending