Joseph Marco: Napakalaki ng utang na loob ko kay Ms. Judy Ann! | Bandera

Joseph Marco: Napakalaki ng utang na loob ko kay Ms. Judy Ann!

Ervin Santiago - August 19, 2014 - 03:00 AM

JOSEPH MARCO AT JUDY ANN SANTOS

Malaki ang tinatanaw na utang na loob ng Kapamilya young hunk actor na si Joseph Marco sa Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.

Ayon sa binata, mula noong makasama niya si Juday sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ay nagkasunud-sunod na ang projects niya. At dito rin daw siya unti-unting nakilala ng madlang pipol.

In fairness, isa siya sa mga ginu-groom ng ABS-CBN bilang sa isa mga pambatong leading man ng network. Napapanood si Joseph ngayon sa seryeng Pure Love ng ABS-CBN kasama si Alex Gonzaga.

“After doing that (Huwag Ka Lang Mawawala), after working with the Teleserye Queen, parang ang daming na-open na doors for me. Sobrang thankful ko lang. Up to now, hindi ko nakakalimutan working with Ms. Judy Ann. Sobrang thankful ako na ako ‘yung naging kapatid niya dun sa soap na ‘yun,” ani Joseph nang makachika namin sa pocket presscon ng bago niyang pelikula, ang “Talkback And You’re Dead”.

Kasama niya sa movie na ito under Viva Films at Skylight Films ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, with Yassi Pressman na showing na nationwide sa Aug. 20.

Ayon pa kay Joseph, natutuwa siya dahil sa loob ng apat na taon niya bilang Kapamilya ay marami-rami na rin siyang nagawang magagandang proyekto. Bukod sa Kung Mawawala Ka, naging bahagi rin siya ng Sabel, Mara Clara, Princess And I at Honesto kung saan gumanap siya bilang isang mentally challenged. Dito napatunayan na talagang may ibubuga siya sa larangan ng pag-arte.

“Sobrang thankful po ako kasi nakita ko rin ‘yung progress ng career ko…I’m really thankful na nasu-sustain ko, na patuloy akong nabibigyan (ng trabahao),” anang binata.

Speaking of “Talk Back And You’re Dead” na idinirek ni Andoy Ranay, ito na ang masasabing biggest break ni Joseph sa mundo ng pelikula dahil isa na nga siya sa mga bida. He plays Jared dela Cruz (a.k.a. Red) sa movie na siyang makakaagaw ni James kay Nadine.

Nanghinayang naman si Joseph na hindi siya nabigyan ng chance na magpaseksi tulad ng ginawa ni James Reid na ilang beses nagpasilip ng katawan sa pelikula, “Sayang nga, e, reding-ready pa naman ako. Baka sa susunod daw, sa part 2, magta-topless na ako! Pero maganda ‘yung role tsaka yung kuwento ng pelikula namin kaya sana suportahan nila.”

Samantala, dinenay ni Joseph na girlfriend niya si Empress tulad ng mga napapabalita, “Wala po talaga kami ni Empress. We’re just friends,” anang binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong din namin si Joseph kung ano ba ang isang bagay na nagawa niya para sa babae na hinding-hindi niya malilimutan? “Feeling ko ‘yung pinakagrabeng nakagawa ko ‘yung pinuno ko ‘yung kuwarto niya ng flowers. Simula dun sa entrance ng bahay nila hanggang papunta sa kuwarto niya, may nakakalat na petals.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending