Hirit ng bashers: Marian, Dingdong malalaos pag naging mag-asawa na! | Bandera

Hirit ng bashers: Marian, Dingdong malalaos pag naging mag-asawa na!

Jobert Sucaldito - August 19, 2014 - 03:00 AM

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

NAPANOOD ko sa Facebook ang proposal ni Dingdong Dantes sa longtime girlfriend nitong si Marian Rivera and I found it really cute. Kasi nga, parehong maganda ang mukha ng dalawa kaya pleasing panoorin. Ha-hahaha! Di ba naman?

Pag chaka siyempre, masakit sa mata – kailangang sobrang-ganda ng story ng proposal para ma-touch ka. Pero yung kina Dingdong and Marian, effortless. Very encouraging pa ‘kamo. It’s already announced na rin that they will tie the knot on Dec. 30, 2014.

Anyway, sari-saring reaksiyon ang naririnig natin about their forthcoming wedding. May mga maligaya for them pero meron ding worried sa kanilang respective careers.

“Tiyak na pag nakasal na sila, the end na ng kanilang career. Kasi nga, mawawala na ang ilusyon ng fans nila. Kumbaga, pag taken na kasi ang artista, ibang level na ang haharapin nito. Sa estado nina Dingdong at Marian, tiyak na malaki ang mababawas sa fans nila, what do you think?” tanong ng isang non-showbiz friend namin.

I don’t really think that they will totally lose their careers sa showbiz. Kasi nga, matagal-tagal na panahon na ring alam ng buong mundo that they are a couple – mag-boyfriend na sila ng ilang taon na rin. Kaya wala namang pagkakaiba siguro kapag ikinasal na sila dahil parang iyon na rin ang dating noon pa – that they were exclusively dating. Yung careers nila siguro ay nandiyan pa rin – baka mabawasan ng konti pero hindi naman siguro maaapektuhan nang sobra.

“Kungsabagay, kung doon naman sila talaga masaya, bakit natin sila pipigiling magpakasal? They are of age na naman and for sure, nakaipon na sila ng maraming pera para sa future nila. Mayaman na sila tiyak, ‘no! Sa dami ng naging work nila – baka hindi na mabilang ang mga dahtung nila pareho, ‘no! In fairness to both of them, pareho silang may pera kaya walang dehado. Hindi kailangang mag-prenup dahil pareho na silang rich,” ang sabi pa ng aning friend.

Basta kami, we are very happy for both of them. Perfect sila sa maraming bagay – and wishing that this partnership will bring them joy till the end of time. Oh, di ba? Pa-cute lang. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending