Michael Pangilinan pinagnanasahan ng mga beki
NAKAKATUWA ang anak-anakan nating si Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan dahil he’s loaded with lots of work lately. Thank God and unti-unting nagpi-pay off ang kaniyang pagtitiyaga for the past two years.
Loaded kasi with so much singing talent – good looks and bright attitude sa work kaya kinaaawaan ng nasa Itaas. Ang maganda sa batang ito, hindi marunong mag-complain, kasi nga, I always instill sa utak niya na wala kaming karapatang magreklamo pagdating sa trabaho dahil this is what we came here for sa showbiz, di ba?
Mas masaklap kung wala kang work after all those pagtitiyaga. Mabuti nga at merong nagtitiwala sa aming maliit na kakayahan.
“Baliw lang ang magreklamo pa sa mga blessings na dumarating.
Ito talaga ang gusto ko, ang magkaroon ng maraming work. Marami kasi akong pangarap sa buhay – for my family, for myself, for my relatives, my friends at doon sa mga in need. Sarap kasing tumulong dahil mahirap talaga ang buhay ngayon.
“Gusto kong makapag-ipon para makabalik ako sa school very soon. Gusto kong makapagtapos ng college on my own. Kahit ilang units lang muna sa Marketing.
May konti na akong ipon – work lang nang work and one day, magugulat na lang sila that in between ay pumapasok ako sa school.
“Hindi mo mamalayan graduate ka na pala, di ba? Iyon ang dream ko talaga kaya pinagbubutihan ko ang work ko,” ani Michael na pabalik pa lang today from Cagayan Valley from a show with Prima Diva Billy, Arnel Lachika and Vina Morales last night organized by Mayor Jojo Carag.
Imagine, nu’ng August 13 ay nag-serenade siya ng Mutya Ng Guinobatan sa Albay and pagdating niya nu’ng Aug. 14 ay diretso agad siya sa shoot ng MTV niya for his Himig Handog intepretation of the song “Pare, Mahal Mo Raw Ako” composed by Joven Tan.
Kasama niya sa music video na ito ang indie actor na si Miggy Campbell na napakahusay ding umarte. Myrtle of PBB Teens play his girlfriend in the said MTV.
Late na ng gabi natapos ang shoot niya with UP Film students na kinunan sa UP Diliman campus and a bar in Maginhawa St., Teachers Village, Q.C.
After ng shoot ay uwi siya agad para matulog dahil maaga ang flight nila for Cagayan Valley yesterday with the rest of the artists and Roel Caba of the Philippines.
Buti na lang at di siya na-late sa airport and today naman ang dating nila. Meron silang basketball tournament early evening mamaya and tomorrow ay meron siyang singing engagement – isang debut ng anak ng friend namin.
“Nalungkot kami kasi di namin nakita ang idol namin sa taping ng Master Showman dahil may show nga siya sa Cagayan yesterday. Di bale, dadalawin na lang namin siya sa free day niya this week.
Papasyalan namin siya somewhere in Q.C.,” ani Singkit, ang vice president ng Michael’Overs Fan Club. As of now, halos puno na rin ang sked ni Michael.
Puspusan ang band rehearsals niya para sa kaniyang nalalapit na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” concert na gaganapin sa Teatrino (Promenade, Greenhills) sa Aug. 28 with guests Sam Milby, Rochelle Pangilinan, Prima Diva Billy and Herbert C. Sa Aug. 26 ay makakasama niya si Cookie Chua sa Sedenio Underpass sa Makati para sa OPM pocket show; whole afternoon ng Aug. 27 ang studio rehearsal ni Michael for his concert; Aug. 28 sa Teatrino; Sept. 1 sa Malabon; Sept. 10 sa Mindoro fiesta with Boobsie Wonderland; Sept. 19 and 20 with Charity Diva Token Lizares, Prima Diva Billy, AJ Tamisa and Le Chazz sa Saltimboca Hall, Bacolod City (for the benefit of Bantay-Bata Bacolod and Franciscan sisters of Pontevedra, Negros Occidental).
Sa Sept. 21 may guesting siya sa ASAP for Himig Handog 2014; Sept. 22 sa Shangrila Makati for foreign investors; Sept. 27, birthday show of Roi de Leon in Malolos, Bulacan, Sept. 28, Himig Handog P-Pop Love Songs grand finals at SM MOA Arena; Oct. 4, with Token Lizares sa The Library Metrowalk; Oct. 5, Gabay Guro at SM MOA Arena; Dec. 5 to 10 for Gabay Guro events sa Malaysia at Singapore.
In between these dates in August and September ay hinahanapan namin ng Star Records ng vacant days si Michael para sa mall tours for Himig Handog. Sarap ng feeling that unti-unti ay nari-realize na ni Michael ang mithiin niya.
In fairness sa self-titled album ni Michael under Star Records, humahataw pa rin ang version niya ng “Kung Sakali” sa airwaves. Ngayon naman, ang kanta niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” for the Himig Handog contest ay very controversial.
Kasi nga, kakaiba ang theme ng song. It’s a serious song na kinakanta ng isang lalaki sa isang gay friend nitong may gusto sa kaniya.
Nakakatuwa dahil ang mga taga-LGBT mismo ang nagpahayag ng kanilang suporta sa awiting ito dahil naramdaman nilang nirespeto ng song ang gay community.
“Hindi pa naman ako nakakaranas ng ganoon, na merong barkadang bading na nagtapat sa akin. Ha-hahaha! With this song, alam ko na kung ano ang gagawin ko para di sila ma-offend.
Malay mo, baka magustuhan ko rin siya, di ba? Ha-hahaha!” pagbibiro ni Michael na lapitin din ng mga baklita. How about lovelife? “Wala muna sa ngayon. Yung last ko, six months ago na yata.
Focused muna sa work, baka mag-flop tayo pag puro lovelife, di ba, ‘Nay?” echos ni Michael sa akin. Yung halatang bola. Pero may friends akong nagkukuwento sa akin na nakita raw nila si Michael na may ka-dinner na magandang girl. Ha-hahaha!
( Photo credit to michael pangilinan official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.