Kris kay Bistek: Hindi nananakit si Mayor…damdamin lang!
Kung merong naaliw, meron din namang nabwisit sa muling pagkikita nina Kris Aquino at Q.C. Mayor Herbert Bautista. Nangyari ito sa episode ng Aquino & Abunda Tonight nitong nakaraang Lunes.
“Hindi natin akalaing mangyayari ito, but it’s happening tonight,” ang sabi pa ni Kris bago ipakilala si Bistek bilang special guest sa show. Wala si Boy Abunda that night kaya ang former lovers lang ang nagkasama sa programa.
Naging topic nila ang pananampal ni Bistek sa isang drug suspect na nahuli sa Quezon City kamakailan. Nag-sorry uli si Herbert sa publiko kasabay ng pagsasabing, ”By nature, hindi ako nananakit ng tao. Physically, hindi ako nananakit ng tao.”
Na hiniritan naman ni Kris ng, ”Physically, ha, ‘yan ang sinabi mo. Kinlaro mo ‘yun, Mayor.” Natawa si Kris sa kanyang sinabi na halatang gustung-gusto nang pag-usapang ang tungkol sa kanilang naging relasyon pero pigil na pigil ang TV host.
Bago matapos ang programa, muling nagpasalamat si Bistek kay Kris sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para klaruhin ang sampalan scandal na kinasangkutan nito.
Pero bago pa sila tuluyang magpaalam sa ere, muling humirit si Kris ng, “Hindi nananakit si Mayor…damdamin lang. Chos! Ha-hahaha! Pasensya ka na at least friends na tayo.”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.