Resbak ng kampo ni Derek: Siya ang biktima! | Bandera

Resbak ng kampo ni Derek: Siya ang biktima!

Ervin Santiago - August 06, 2014 - 03:00 AM


Sorry na lang sa mga nagpalutang ng bagong iskandalong kinasasangkutan ng hunk actor na si Derek Ramsay. Ito nga ‘yung tungkol sa diumano’y dati niyang asawa na sinasabing “namba-blackmail” ngayon sa kanya.

Ayon kasi sa mga kumalat na balita, nanghihingi raw ng P40 million si Mary Christine Jolly bilang kapalit ng pag-urong ng mga demandang isinampa niya laban sa aktor.

Kinasuhan ng babae si Derek ng Violations of Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Ayon sa affidavit ni Mary Christine, ikinasal sila ni Derek noong April 3, 2002 sa Balagtas, Bulacan at nagkaroon nga sila ng anak, si Austin Gabriel Ramsay na ipinanganak noong June 28, 2003.

Pero sa mga nababasa naming reaksiyon ng madlang pipol sa social media tungkol sa isyung ito, mukhang mas maraming kumampi kay Derek.

Halata raw kasi ang motibo ng babae, at naniniwala sila na hinding-hindi magagawa ni Derek na abandonahin ang kanyang anak.  Bukod dito, feeling nila, matindi ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa kaya nawalan nang gana si Derek sa babae.

Sey pa nga ng isang tagapagtanggol ni Derek, “We believe si Derek ang biktima rito. Mayaman ang pamilya niya kaya imposibleng pabayaan niya ang kanyang anak kung sa kanya nga ‘yun.”

“Tsaka, bakit ngayon lang siya nagdemanda? Bakit hindi niya kinasuhan si Derek noon? Bakit? Kasi sikat na ang dati niyang dyowa? Alam niyang may pangalan na itong iniingatan at kapag lumantad at nagsalita siya against him, magiging sunud-sunuran ito sa kanya?” sabi pa ng aming kausap.

Kahapon, kumalat sa social media ang ilang litrato kung saan magkasama sina Derek at Mary Christine, kuha iyon sa isang beach resort. Makikita sa isang picture na magkayakap pa ang dalawa.

May isa namang kuha kung saan kasama nila ang  ilang mga kaibigan. Until now ay hindi pa nagsasalita si Derek tungkol dito.
Pero sa pagkakaalam namin, nakipag-usap na siya sa kanyang abogado para sa kasong isinampa sa kanya.

Naniniwala naman ang pamilya at mga kaibigan ni Derek na malalampasan niya ang problemang ito, basta magpakatotoo lang siya sa madlang pipol.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending