Binoe hinding-hindi matatanggap ang boyfriend ni BB Gandanghari
HINDI man diretsong sinabi ni Robin Padilla, tila ayaw nitong magkaroon ng boyfriend ang kapatid na si BB Gandanghari. Tanggap na ni Binoe na “babae” na ang utol na si Rustom Padilla pero mukhang hindi nito matatanggap kung magdyodyowa ito ng lalaki.
Sa isang interview, sinabi ni Binoe na may hangganan naman daw ang pagtanggap nila sa tunay na pagkatao ni BB, at sana raw ay hindi mangyari ang kinatatakutan niya – ang pagkakaroon nga nito ng boyfriend.
Pero kung talagang hindi mapipigilan, mas mabuti raw ilihim na lang ito ni BB, “Mas mabuting hindi namin alam,” sagot ni Binoe, kasabay ng pagsasabing may pinaiiral pa rin silang “morals” sa kanilang pamilya.
Hindi rin niya gusto na ipakilala sa kanila ng kanyang sisteraka ang magiging lover nito. “Kasi lahat ng klase ng pagtanggap, may hanggang yun. Hindi naman puwedeng wala kang boundary. Lahat may boundary,” hirit ng aktor.
Sa tinuran ni Binoe, mukhang hindi nga magiging kumpleto ang kaligayahan ni BB, “Wala na kaming pakialaman sa kaligayahan niya, pero may boundary nga yun, e.
Kanya yun, e. Pero para sa amin pa dalhin? Sinasabi naman namin yun sa kanya (wag nang ipakilala). Diretsahan yun. Kasi yung…hindi naman namin siya pipigilan sa karapatan niyang pangtao.
Pantay-pantay tayo ng karapatan. Pero pagdating sa morals ng pamilya, may karapatan din kami, ‘di ba?” Samantala, noon pa alam ni Robin ang tunay na kasarian ng kapatid, ikinuwento pa nga nito na noong nag-aaksiyon pa si Rustom sa mga pelikula ay hirap na hirap sila itong paartehin ng matigas bilang action star.
“Noong nag-a-action siya, peke yun! Hirap na hirap kami doon sa ‘Mistah’ (pelikulang pinagbidahan nilang magkakapatid noon 1994). Pero ngayon, bilib na bilib ako sa taong ‘yun. Nu’ng naging babae siya, doon gumaling.”
Inamin din ni Binoe na hanggang ngayon ay umaasa pa rin silang magbabago si BB at babalik sa pagiging lalaki, “Lagi namang kasama sa prayers namin yun.”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.