600 motor rider arestado | Bandera

600 motor rider arestado

- February 15, 2012 - 05:13 PM

TINAYANG mahigit 600 motorcycle riders ang nahuli ng mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority sa pagsisimula ng implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA kahapon.

Gayunman, hindi muna inisyuhan ng traffic violation receipt na may multang P500 ang mga pasaway na nagmomotorsiklo kundi isinailalim ang mga ito sa 15-minutong road safety seminar sa mga piling lugar sa kahabaan ng EDSA kung saan sila nahuling gumawa ng paglabag.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operation Emerson Carlos, lahat ng mga sumailalim sa seminar ay pinagkalooban ng hugis-pusong sticker na may nakasaad na “Certified Motorcycle Rider” at “Disiplinado Ako”.

Sinabi ni Carlos na kabilang sa mga nahuli kahapon ay hindi lamang lumabag sa itinakdang motorcycle lane o “blue lane” kundi ang iba ay walang suot na helmet, sapatos at hindi nakabukas ang kanilang headlight.

Nauna nang umani ng batikos ang pagtatakda ng motorcycle lane sa EDSA matapos na hindi umano nagkaroon man lamang ng konsultasyon sa iba’t-ibang grupo ng mga motorcycle riders.

Inireklamo ng mga motorcycle riders ang pagtatakda ng MMDA ng ika-apat ng linya ng EDSA bilang motorcycle lane na hindi namang eksklusibong inilaan sa mga nagmomotorsiklo kaya’t mas nalalagay sila sa panganib sa oras na sa naturan ding linya dumaan ang mga pribado at malalaking sasakyan.

Mas dapat umanong ayusin muna ng MMDA ang napakasikip na daloy ng trapiko sa EDSA bago magpatupad ng motorcycle lane upang hindi na kailangan pang umalis sa itinakdang linya ang mga nagmomotorsiklo.

Sa kabila naman ng isang katerbang reklamo, umapela naman si Chairman Francis Tolentino sa mga motorista na irespeto ang motorcycle lane upang maiwasan ang disgrasya.—Liza Soriano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending