Paul George nagtamo ng leg injury sa scrimmage
HUMANTONG sa isang bangungot ang intra-squad scrimmage ng Team USA nang magtamo ng severe lower right leg injury ang star player ng Indiana Pacers na si Paul George kahapon sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Agad na tinigil ang practice game, binuhat sa stretcher si George at dinala sa ospital. Ang naturang scrimmage ay bilang paghahanda ng Team USA sa nala-lapit na FIBA World Cup na gaganapin sa Spain.
Naganap ang injury sa fourth quarter nang humarurot sa isang fastbreak layup si James Harden. Hinabol siya ni George para burahin ang tira ni Harden ngunit hindi maganda ang bagsak ng Pacers forward na naglupasay sa sahig.
Tila natulala ang mga kakampi ni George sa nangyari kabilang na si Harden. “With the serious injury that we had and the fact that we stopped playing for a long period of time, and out of respect for Paul and his family, the scrimmage is done,” sabi ni US coach Mike Krzyzewski.
Ang two-time All-Star na si George ay nag-average ng 21.7 points, 6.8 rebounds at 3.5 assists para sa Pacers sa nagdaang NBA season.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.