Shaina nganga, ayaw nang balikan ni Piolo | Bandera

Shaina nganga, ayaw nang balikan ni Piolo

Ervin Santiago - July 23, 2014 - 03:00 AM


So, posible pang magkaroon ng part 2 ang naunsiyaming relasyon nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual. Iyan ay kung makapaghihintay pa ang sisteraka ni Vina Morales kay PJ.

Sey kasi ng Kapamilya actor, sa ngayon daw ay wala talaga siyang panahon sa mga babae dahil gusto niyang mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Iñigo at sa kanyang trabaho.

Sa interview kay Piolo ng The Buzz noong Linggo, sinabi niyang nagdesisyon sila ni Shaina na panatilihin ang kanilang friendship sa gitna ng mga balitang matagal na silang magdyowa.

“Shaina and I are good friends eh, she’s friends with my family, I’m friends with hers. I guess mas pinipili lang po siguro namin na i-preserve ang friendship namin.

“Kasi parang it’s hard for us now kasi pareho kaming busy sa trabaho and siguro lalo na ako dahil hindi ko na mabibigyan ng oras if ever I’m in a relationship. I have a son, I have a career, I have my life. So, unfair,” paliwanag ni Piolo.

Hirit pa ng binatang ama, “Sa 24 oras na meron ako sa isang araw hindi ko po kayang isiksik ‘yun sa isang araw. So I just have to be fair I guess.”  Pero, sey ni PJ, pangarap pa rin niya ang magpakasal at magkaroon ng apat pang mga anak.

“Kasi siyempre I want to be able to have more kids so one every year. And I come from a very big family, six kami, I’m the youngest. I want to enjoy them while I am young.

I want them to enjoy each other while siguro their mom and I are away,” esplika ng aktor na bibida uli sa bagong Primetime Bida serye ng ABS-CBN na Hawak Kamay na nagsimula na nga kagabi.

Sabi pa ng aktor, hindi siya magdadalawang-isip na mag-quit sa showbiz kapag dumating na yung araw na kailangan na niyang mag-settle down. “The thing is, it’s hard to mix both. It’s hard to juggle both at the same time.

If you get married and you have kids, mahirap nagtatrabaho ka tapos walang kasama sa bahay ‘yung asawa mo at ‘yung mga bata. I want to be able to prioritize that should it come to a point na kailangan ko na mag-settle.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending