Fans nina Goma at Dawn bitin sa KathNiel movie
Biglang sumigla ang supporters nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, may request sila ngayon – sana raw ay bigyan sila ng full length movie ng Star Cinema.
Masyado raw kasing bitin ang paglabas nila sa “She’s Dating The Gangster” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, lalo na si Dawn na isang beses lang ipinakita at sa ending pa.
Isipin mo, all these years ay naririyan pa rin pala ang supporters nina Goma at Dawn. Naalala tuloy namin noong kainitan nilang dalawa, para silang sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo/Toni Gonzaga at Kim Chiu/Gerald Anderson/Xian Lim na talagang nagtitilian ang fans kapag nakikita na sila sa malaking telon.
At maging ang mga asawa nina Goma at Dawn ay suportado rin ang loveteam nila tulad nga sa huling seryeng ginawa nila, ang
Walang Hanggan kasama sina Coco Martin at Julia Montes.
Pakiusap sa amin ng mga nag-text, kung puwede raw ay isulat namin ang kanilang request na bigyan ng pelikula sina Richard at
Dawn dahil tiyak na maraming supporters ang matutuwa at masisiyahan na muli silang mapapanood sa pelikula.
Ikinatwiran namin na baka naman naghahanap pa ng tamang materyal ang Star Cinema kasi sa ngayon ay sina Richard at Gretchen Barretto ang mag-partner sa pelikula na pagbibidahan ni John Lloyd Cruz kasama sina Jessy Mendiola at Sylvia Sanchez na ididirek ni Chito Roño for Star Cinema.
At alam din naman tiyak ng Star Cinema bosses ang magandang response ng tao kina Dawn at Richard sa “She’s Dating The Gangster”, tama ba bossing Ervin? I’m sure isa ka rin sa may gustong magkaroon sila ng reunion movie. (Sinabi mo Reggs!
Nakakabitin talaga ang ginawa nila sa SDTG, ha! – Ed)
Anyway, kumirmadong naka-P100 million na ang pelikula nina Daniel at Kathryn, iyan ay sa loob lang ng limang araw. Sa katunayan, nitong weekend ay nagdagdag pa raw ng sinehan ang Star Cinema para ma-accommodate ang napakaraming fans na sumugod sa mga mall para mapanood ang pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.