Nabuking...sugat, peklat at paso ng sigarilyo sa hita ni Claudine peke | Bandera

Nabuking…sugat, peklat at paso ng sigarilyo sa hita ni Claudine peke

Cristy Fermin |July 21,2014
facebook
share this

Nabuking…sugat, peklat at paso ng sigarilyo sa hita ni Claudine peke

Cristy Fermin - July 21, 2014 - 03:00 AM


Ang ginawang pagpapa-pictorial ni Claudine Barretto nang naka-body stockings lang siya na halos nasisilip pa rin ang kabuuan ng kanyang katawan ang naging paksa sa isang umpukan nu’ng minsan.

Namangha ang grupo nang makita ang itsura ni Claudine sa pictorial, nakatungo siya na parang malungkot na malungkot, dahil masyado niyang pinoproblema ang kanyang mga pasa, peklat at pilat sa kanyang hita.

Hindi man niya direktang sinabi na si Raymart Santiago ang naging dahilan ng kanyang mga peklat ay ganu’n na rin ‘yun, dahil ang kanyang deklarasyon ay nakuha niya ‘yun nu’ng mga panahong nagsasama pa silang mag-asawa.

Pero teka muning, sabi ng mga mapagmasid, naka-shorts siya nu’ng upakan ng kanilang tropa ang kolumnistang si Kuya Ramon Tulfo, pero bakit ni anino ng mga sinasabi niyang pasa ay wala naman kung totoo ngang napakatagal na panahon na niyang itinatago ang mga ‘yun?

Ibig sabihin ba’y gumagawa lang na naman ng kuwento si Claudine na si Raymart ang dahilan ng pagkakaroon niya ng mga pasa at peklat sa katawan?

At opinyon ng isang nandu’n, “And granting, even for the sake of argument, na totoo ngang si Raymart ang may gawa nu’n sa kanya, kailangan ba niyang ipagbanduhan sa buong mundo ang mga peklat at pasa niya?

“Hindi man lang ba niya kayang itago ‘yun para bigyan ng kahihiyan ang mga anak nila at ang mismong pamilya niya? Nakakaloka si Claudine, pabigla-bigla siya, wala siyang kahihiyan!”

Para sa pag-eendorso ng isang produkto ay nakayang ilantad ni Claudine Barretto ang kanyang katawan na hindi naman pangmodelo kung tutuusin dahil sa kanyang kasyubaan ngayon.

Pero kung kami ang tatanungin ay ikalawang dahilan na lang ang pag-eendorso niya ng naturang produkto, ang una niyang layunin ay ang ipahiya na naman si Raymart Santiago sa publiko, battered wife daw siya at siyempre’y ang ama ng kanyang mga anak ang patagilid niyang tinutukoy na nag-iwan sa kanya ng mga pasa, pilat at peklat na ‘yun.

( Larawan: TV GRAB mula sa  24 oras/GMA)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending