Piolo may farm at 3 bahay sa Pinas, nakabili rin ng mansion sa US
Natawa si Piolo Pascual nu’ng banggitin ng entertainment writer na si Jun Nardo na hindi niya naramdaman at iba pang members of the press ang pagiging generous niya sa mga kasamang child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at Andrea Brillantes sa bago nilang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Hawak Kamay.
Mahigit 10 dekada na si Piolo sa showbiz at ‘di lingid ang napakalaking biyaya na natamo niya bilang artista. In fact, very vocal si Piolo sa pagsasabi na he’s financially stable na and ready to retire anytime sa showbiz dahil sa rami ng kanyang investments.
May tsika na may apat na raw na bahay si Piolo including ‘yung nasa Amerika at malaking farm na inamin niya sa presscon ng Hawak Kamay nu’ng alukin siya ng entertainment editor ng Tempo na si Nestor Cuartero.
Napakaswerte nga ng babaeng mapapakasalan ni Piolo dahil daig pa niya ang naka-jackpot sa lotto. Hindi nga lang namin matanong si Piolo kung amenable ba siya sa ideya ng pre-nuptial agreement with his future wife.
But definitely, ayaw ni Piolo na tumandang walang ka-Hawak Kamay except of course sa kanyang anak na si Iñigo. “But I believe in single-blessedness as well.
Pero I guess, that’s why I’ve been working so hard because I love kids. I love to have a family. I love to share you know, whatever I have. Pero kung wala, anong magagawa ko? Pero sana meron.
Mahirap mag-isa especially when you see your siblings, they have their own family tapos ikaw kasama ko ‘yung isang kapatid ko lang? It’ll be nice to grow old with someone. It will be nice to have your own kids,” paglalahad ni Piolo.
Anyway, lasenggerong si Gin ang role na ginagampanan ni Piolo sa Hawak Kamay sa direksyon ni Jerry Sineneng at Retchie del Carmen. Sinimulan itong idirek ni Mae Cruz pero natigil dahil sa kanyang kasal.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.