'Hindi Santo si Daniel Padilla, tao lang siya!' | Bandera

‘Hindi Santo si Daniel Padilla, tao lang siya!’

Jobert Sucaldito |July 21,2014
facebook
share this

‘Hindi Santo si Daniel Padilla, tao lang siya!’

Jobert Sucaldito - July 21, 2014 - 03:00 AM

NAPAKAINIT ng isyu sa pakipaghiwalay ng mahal nating young male superstar na si Daniel Padilla sa kaniyang bandang Parking 5. Nabasa ko sa Facebook ang sari-saring reaksiyon ng kaniyang fans – a lot got so sad – affected talaga.

Nagulat ako dahil not one of them said it was okay for DJ (palayaw ni Daniel) na mahiwalay sa said group. “Actually, matagal na talaga silang magbabarkada.

In fact, super-close ng mga iyon sa family ni Daniel. Doon nga natutulog ang iba sa bahay nina DJ. Binibigyan sila ng dahtung ni Karla (Estrada, mommy ng aktor-singer). Nagulat na lang kami bakit biglang naiba ang ihip ng hangin.

“Some say na dahil daw sa pag-post ng isang member ng Parking 5 ng old pic ni Daniel na merong hawak na yosi at alak kaya raw nagalit si Karla. Puwede, di ba?

Pero may nagkukuwento namang kaya raw nagkasira ang grupo ay dahil yung mga kasamahang bagets ni Daniel ay balik-school na at yung isa yata sa States pa nag-aaral. Pinauuwi na raw ng family.

Pero may feeling ako may mas malalim pang dahilan diyan,” sabi ng isang nakakakilala sa grupo. Kami naman, gusto naming himay-himayin ang isyung ito.

Doon sa sinasabing kaya sila na-disband because the other boys opted to continue their studies – oks sa amin iyon. Kasi nga, hindi naman lahat get the chance to be where Daniel is now – hindi naman natin alam kung sisikat din sila’t yayaman tulad ni DJ. Pero mababaw nga raw kung iyon ang dahilan though for us, valid ito.

Kung tungkol sa sinasabing pag-post ng pic ni Daniel in a very uncompromising pose ang reason, I would understand it too na talagang magagalit nga si Karla.

Kasi nga, para que at kailangang ilabas ang larawang iyon when it was taken many years ago, di ba? May malisya nga ang dating sa amin. Para masira si Daniel sa public, ganoon ba iyon?

Kasi nga sobrang hot ni Daniel ngayon – talagang sikat na sikat para masira lang ng isang kasamahan via that controversial photo. Hindi na dapat pinost iyon in the first place, wala man lang disclaimer na kuha ito four or five years ago when Daniel was a nobody yet – na it was taken during their kalokohan days as part of their growing up years. Yung ganoon.

Ang dating sa amin ay sadyang ginawa iyon para ma-turn off ang fans ni Daniel, para palabasing hindi siya magandang role model sa youth na siyang nagiging imahe na niya.

Granting for the sake of argument na totoo ngang nagyoyosi at umiinom ng beer si Daniel when he was much younger – that’s part of his adolescence, di ba? Halos lahat naman tayo ay dumaan sa ganoong stage ng buhay.

Pero life for Daniel didn’t end there – he moved on with life – reformed and became serious sa karera niya lalo na nitong panahong sumikat na siya.

Hindi na siya nagloka-lokahan kumbaga, reformed boy na siya and in the event that you see him drinking beer or holding a glass of wine or whisky in a party one day, wala pa ring masama – part ng social life niya iyon.

Lalaki iyan. Hindi naman puwedeng maging santo iyan. What’s important ay maging responsible siya sa act niya – like hindi siya nakikitang paluray-luray sa kalasingan at nakikipag-away dahil may tama ng alak.

Wala namang ganyan kaya sa palagay ko’y hindi dapat mabahala si Daniel should he try drinking one day. Pero kung maiiwasan niya, the better. But that doesn’t make him bad.

Huwag din sanang OA ang mga fans – huwag nilang isiping santo si Daniel, na isang batang walang kinahihiligan. We are not of course encouraging Daniel to be addicted to liquors or cigarettes – he knows what’s good and bad for him.

Tsaka nakikita naman natin kung gaano ka-focused ang batang ito sa work niya – kung gaano siya magpahalaga ng pamilya niya.

Sa totoo lang, napakabait na bata nitong si Daniel, nakikita namin kung paano siya magmahal sa pamilya niya – kung gaano kalaki ang puso ng batang ito.

Kaya nagagalit kami tuwing merong mga paninirang ibinabato sa kaniya na hindi naman niya deserved. This boy is not perfect pero no one has the right to deliberately destroy him.

Naiinggit ba sila sa kaniya kaya ganoon na lang kung sirain nila sa anumang paraang naiisip nila? Alam naman nilang by showing that sa panahon ngayon may just affect DJ’s popularity pero bakit ginawa pa rin ito ng kasamahan niya? Dahil gusto niyang masira si Daniel, ganoon ba?

“Kasi nga, binigyan din kasi ng kampo ni Daniel ng ilusyon ang kagrupo niyang ito sa banda na magkaroon ng sariling career. Dapat doon sana ay ginawa silang back-up band lang ni Daniel ang mga iyon – hindi yung binigyan ng sariling pangalang Parking 5 na puwedeng kumarir on their own.

“Ayan tuloy, baka hindi matanggap ng mga kabanda niya na siya (DJ) lang ang sikat at sila’y napag-iiwanan. Kaya nagkakagulo-gulo sila ngayon.

Mahirap yung ganyan, mabuti na’t habang maaga ay mabuwag na lang sila kung iyon din ang magiging ending. Mas mahirap yung kung sino pa ang inaasahan mong mga kabarkada mo ay sila pang sisira sa iyo in the end.

“Kaya blessing in disguise na rin para kay Daniel ang mahiwalay sa kanila. Maghanap na lang siya ng session band na magba-back-up sa kaniya pag meron siyang concerts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka mag-improve pa ang musicality niya,” ang mataray na sabi ng isang matalinong fan ni Daniel. I agree. Spin a win!

( Photo credit to daniel padilla official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending