Coco, Kim parehong naka-jackpot sa Ikaw Lamang | Bandera

Coco, Kim parehong naka-jackpot sa Ikaw Lamang

Ervin Santiago |July 21,2014
facebook
share this

Coco, Kim parehong naka-jackpot sa Ikaw Lamang

Ervin Santiago - July 21, 2014 - 03:00 AM


Parehong maswerte ang magka-loveteam sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang ng ABS-CBN na sina sina Kim Chiu at Coco Martin. Bukod sa napakataas na rating ng kanilang soap opera na magkakaroon agad ng book 2 ay wagi rin sila sa nakaraang Yahoo Celebrity Awards kamakailan.

Nagwagi si Kim bilang Actress of the Year para sa Ikaw Lamang. Siya rin ang tinanghal na Celebrity of the Year at Movie of the Year naman ang “Bride for Rent” nila ni Xian Lim.

Siya ang pinakamaraming naiuwing tropeo matapos ang nasabing awards night. “Naramdaman ko talaga ‘yung pagmamahal at suporta ng mga fans sa akin,” ani Kim nang makachikahan ng press.

Si Coco naman ang itinanghal na Actor of the Year para pa rin sa napakahusay niyang pagganap sa Ikaw Lamang. Ito ang ikatlong pagkakataon na napanalunan ng aktor ang nasabing award.

Kaya naman nagpapasalamat din ang aktor sa lahat ng sumusuporta sa kanya at sa kanilang teleserye na laging nangunguna sa ratings game. Ang mga nagwagi sa Yahoo Celebrity awards ay pinili mismo ng mga tao sa pamamagitan ng online voting.

Kaya masasabing ang pagkakapanalo nina Kim at Coco ay galing mismo sa desisyon ng mga manonood. Ibig sabihin, sila talaga ang deserving manalo.

Samantala, mas marami pang kapana-panabik na eksena ang mapapanood sa mga susunod na episode ng Ikaw Lamang kaya huwag na huwag kayong bibitiw.

Sunud-sunod pa rin ang matitinding eksena nina Coco, Kim, Jake Cuenca at Julia Montes. Marami na rin ang naku-curious kung ano ang magiging role ni KC Concepcion sa pagpasok niya sa ikalawang aklat ng serye.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending