Vice sobra na ang pagiging laitera, pinasususpindi raw ni Ai Ai | Bandera

Vice sobra na ang pagiging laitera, pinasususpindi raw ni Ai Ai

Reggee Bonoan |July 21,2014
facebook
share this

Vice sobra na ang pagiging laitera, pinasususpindi raw ni Ai Ai

Reggee Bonoan - July 21, 2014 - 03:00 AM


HABANG nagtitipa ay nakatanggap kami ng mensahe tungkol sa isyu raw nina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda na kasalukuyang trending ngayon sa Facebook.

Sa totoo lang wala kaming alam bossing Ervin dahil hindi naman normal ang daloy ng kuryente sa lugar namin nitong mga huling araw kaya hindi kami nakakapanood ng showbiz balita.

Base sa tanong namin sa nagpadala ng mensahe kung ano ba ‘yung isyung binabanggit at ibinigay sa amin ang link na https://CELEBGOESVIRAL008.TK.

Base sa nabasa namin, sinabi raw ni Ai Ai sa link na, “YES dapat lang suspended si Kabayo kung mang lait ng kapwa akala mo kung sino and that is DISCRIMINATION.

“Tignan nya muna sana ang sarili niya isa lang siya galing sa trash baka sa trash din siya damputin. Hindi lahat ng joke nakatuta (tuwa) nakasakit ka ng damdamin. Apology is NOT accepted.”

Grabe nga ang mga pinakawalang salitang ito ni Ms. A kaya kaagad naming tinext si Vice kung ano ang isyu nila ng Comedy Queen. “Ms Ai Ai?” sagot sa amin ni Vice kasi nga nilagay lang namin sa mensahe namin ay Ms. A.

Sinabi namin kay Vice na may nagtext sa amin at kung totoo na sinabihan niya ang komedyana na asawa siya ni Babalu.  Nagalit si Ai Ai at pinapa-suspend siya.

Mabilis na sabi sa amin ng Gandang Gabi Vice host, “ngeeek, natawa ko sa ‘asawa ni Babalu’. Ha-hahaha! Ang cheap ng chika!”  Wala raw siyang sinasabing masama kay Ai Ai.

Balik-tanong namin, ‘wala kayo sinabi?’  Sabi ulit sa amin ni Vice, “Naku, di ako naniniwala na papatulan ni Ate Ai ‘yun.”
Samantala, tinext namin si Ms. A tungkol dito pero hindi kami sinagot at maging ang malapit na kaibigan niyang tinanungan din namin ay wala ring sagot.

( Photo credit to aiai delas alas official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending