Kelot at tomboy | Bandera

Kelot at tomboy

Joseph Greenfield |July 21,2014
facebook
share this

Kelot at tomboy

Joseph Greenfield - July 21, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Theza ng Barangay Valderrama,  Antique
Dear Sir Greenfield,
Magulong-magulo ang isip ko ngayon.  Bukod sa boyfriend ay sinagot ko rin ang marubdob na manliligaw na tomboy.  Napakarubdob ng kanyang panliligaw at marami na rin siyang naibigay sa akin kaya’t sinagot ko siya sa kabila ng tunay na lalaki na boyfriend ko na nga.  Dalangin ko na lamang na huwag silang magpang-abot dahil baka ako ang saktan ng isa sa kanila, o di kaya’y patayin na nga.  Makakatuluyan ko ba si lalaki at mauuwi ba ito sa kasalan o magsasama na lang kami sa kasalanan ni tomboy?  Inaamin ko na masaya rin ako kapag kasama si tomboy pero hindi niya maibigay ang nginig na hinahanap ko kay lalaki.
Umaasa,
Theza ng Barangay Valderrama, Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May magulo at nabiyak na Marriage Line (Illustration 1, Arrow 1) sa iyong palad, na ang ibig sabihin ay walang pangmatagalang relasyon sa dalawa na bahagi na ng buhay mo ngayon.  Bago dumating ang mapapangasawa mo ay daranas ka ng magulong pag-ibig.  Mula sa gulong ito ay marami kang matututunang bagay.  Hanggang sa dahan-dahang kakatok ang ikatlong pag-ibig, na may dala ng susi sa pag-aasawa at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Ang Two of Clubs, Eight of Hearts at Jack of Clubs ay pagbabadya na mahinhin o tila bakla ang lalaking mapapangasawa mo na magaganap sa panahong kapwa na nawala ang ka-relasyon mo sa ngayon.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending